Mga Tuntunin ng Paggamit ng Spotify

  1. Panimula

  2. Ang Serbisyo ng Spotify na Ibinibigay Namin.

  3. Ang Paggamit Mo ng Serbisyo ng Spotify

  4. Mga Karapatan sa Content at Intelektwal na Pagmamay-ari

  5. Suporta sa Customer, Impormasyon, Mga Tanong, at Mga Reklamo

  6. Mga Problema at Alitan

  7. Tungkol sa Mga Tuntuning Ito

1. Panimula

Pakibasa nang mabuti itong Mga Tuntunin ng Paggamit ("Mga Tuntunin" na ito) dahil napapailalim dito ang paggamit mo ng (na kinabibilangan ng access sa) mga naka-personalize na serbisyo ng Spotify para sa pag-stream ng musika at iba pang content, kabilang ang lahat ng aming website at software application na gumagamit o umuugnay sa Mga Tuntuning ito (sama-samang tinatawag na "Serbisyo ng Spotify") at anumang musika, video, podcast, o iba pang materyal na ginawang available sa pamamagitan ng Serbisyo ng Spotify (ang "Content").

Ang paggamit sa Serbisyo ng Spotify ay maaaring mapailalim sa mga karagdagang tuntunin at kondisyong ihahain ng Spotify, na sa pamamagitan ng pagbanggit na ito ay gagamitin sa Mga Tuntuning ito.

Sa pamamagitan ng pag-sign up o kaya ay paggamit sa Serbisyo ng Spotify, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntuning ito. Kung hindi ka sumasang-ayon sa Mga Tuntuning ito, hindi mo dapat gamitin ang Serbisyo ng Spotify o i-access ang anumang Content.

Provider ng Serbisyo

Ang Mga Tuntuning ito ay sa pagitan mo at ng Spotify AB, Regeringsgatan 19, 111 53, Stockholm, Sweden.

Mga kinakailangan sa edad at pagiging kuwalipikado

Para magamit ang Serbisyo ng Spotify at ma-access ang anumang Content, kailangang ikaw ay (1) 13 taong gulang (o ang katumbas na minimum na edad sa tinitirhan mong bansa) pataas, (2) may pahintulot ng magulang o tagapagbantay kung isa kang menor de edad sa tinitirhan mong bansa; (3) may kakayahang pumasok sa may bisang kontrata kasama namin at hindi ipinagbabawal na gawin ito sa ilalim ng anumang naaangkop na batas, at (4) nakatira sa isang bansa kung saan available ang serbisyo. Ipinapangako mo ring ang anumang impormasyon ng pagpaparehistro na isusumite mo sa Spotify ay totoo, tumpak, at kumpleto, at sumasang-ayon kang panatilihin itong ganito sa lahat ng oras. Kung isa kang menor de edad sa tinitirhan mong bansa, kakailanganin ng iyong magulang o tagapagbantay na pumasok sa Mga Tuntuning ito sa ngalan mo. Makakakita ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan sa minimum na edad sa proseso ng pagpaparehistro. Kung hindi mo matutugunan ang mga kinakailangan sa minimum na edad, hindi ka mairerehistro ng Spotify bilang user.

2. Ang Serbisyo ng Spotify na Ibinibigay Namin.

Mga Opsyon sa Serbisyo ng Spotify

Nagbibigay kami ng iba't ibang opsyon sa Serbisyo ng Spotify. May ilang partikular na opsyon sa Serbisyo ng Spotify na libre, habang may ilang opsyon naman na kailangang bayaran bago ma-access (ang "Mga Bayad na Subscription"). Puwede rin kaming mag-alok ng mga espesyal na pampromosyong plan, membership, o serbisyo, kabilang ang mga pag-aalok ng mga produkto at serbisyo ng third-party. Hindi namin responsibilidad ang mga produkto at serbisyong mula sa mga naturang third party.

Puwedeng hindi available ang Unlimited na Serbisyo sa lahat ng user. Ipapaliwanag namin kung aling mga serbisyo ang available sa iyo kapag nagsa-sign up ka para sa mga serbisyo. Kung kakanselahin mo ang iyong subscription sa Unlimited na Serbisyo, o kung naantala ang subscription mo sa Unlimited na Serbisyo (halimbawa, kung binago mo ang iyong mga detalye ng pagbabayad), puwedeng hindi mo magawang muling mag-subscribe para sa Unlimited na Serbisyo. Tandaang puwedeng ihinto sa hinaharap ang Unlimited na Serbisyo, kung saan hindi ka na sisingilin para sa Serbisyo.

Mga Trial

Magagawa namin o ng iba sa ngalan namin, nang pana-panahon, na mag-alok ng mga trial ng Mga Bayad na Subscription sa loob ng partikular na yugto ng panahon nang walang bayad o sa mas mababang rate (isang "Trial"). Sa paggamit ng isang Serbisyo ng Spotify sa pamamagitan ng isang Trial, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin sa Pampromosyong Alok ng Spotify Premium.

Mga Application, Device, at Open Source Software ng Third-Party

Puwedeng magkaroon ng integrasyon o interaksyon ang Serbisyo ng Spotify sa mga application, website, at serbisyo ng third-party ("Mga Application ng Third-Party") at mga personal computer, mobile handset, tablet, wearable device, speaker, at iba pang device ng third-party ("Mga Device"). Ang paggamit mo sa mga naturang Application at Device ng Third-Party ay maaaring napapailalim sa mga karagdagang tuntunin, kondisyon, at patakarang ihahain sa iyo ng naaangkop na third party. Hindi ginagarantiya ng Spotify na magiging compatible sa Serbisyo ng Spotify ang Mga Application at Device ng Third-Party.

Mga Limitasyon at Pagbabago ng Serbisyo

Naglalapat kami ng makatuwirang antas ng pangangalaga at kakayahan para mapanatiling gumagana ang Serbisyo ng Spotify at para mabigyan ka ng isang naka-personalize at immersive na karanasan sa audio. Gayunpaman, puwedeng pana-panahong mabago ang mga iniaalok naming serbisyo at ang pagiging available ng mga ito, at puwedeng mapailalim ang mga ito sa mga naaangkop na batas, nang walang pananagutan sa iyo; halimbawa:

  • Puwedeng makaranas ng mga pansamantalang pagkaantala ang Mga Serbisyo ng Spotify dahil sa mga teknikal na problema, maintenance o testing, o mga update, kabilang na ang mga kinakailangan para mailapat ang mga pagbabago sa mga nauugnay na batas at panregulasyong kinakailangan.
  • Layunin naming mapaunlad at mapahusay nang tuloy-tuloy ang aming Mga Serbisyo, at puwede naming baguhin, suspindihin, o ihinto (nang permanente o pansamantala) ang pagbibigay ng lahat o bahagi ng Serbisyo ng Spotify (kabilang na ang mga partikular na function, feature, plano ng subscription, at pampromosyong alok).
  • Walang obligasyon ang Spotify na magbigay ng anumang partikular na content sa pamamagitan ng Serbisyo ng Spotify, at puwedeng mag-alis ng mga partikular na kanta, video, podcast, at iba pang Content ang Spotify o ang mga naaangkop na may-ari nang walang abiso.

Kung pauna mo nang nabayaran nang direkta sa Spotify ang mga bayarin para sa isang Bayad na Subscription na inihinto ng Spotify bago ang katapusan ng iyong Panahon ng Paunang Pagbabayad (alinsunod sa kahulugan ng terminong ito sa seksyong Mga pagbabayad at pagkansela sa ibaba), ire-refund sa iyo ng Spotify ang mga paunang nabayarang bayarin para sa Panahon ng Paunang Pagbabayad para sa anumang hindi nagamit na bahagi ng kasalukuyan mong Bayad na Subscription pagkatapos ng naturang paghinto. Updated dapat ang impormasyon ng account at pagsingil mo para makapag-refund kami sa iyo.

Walang pananagutan ang Spotify sa iyo, at wala rin itong anumang obligasyong magbigay ng refund sa iyo, kaugnay ng pagkawala ng internet o iba pang serbisyo o mga pagpalya na dulot ng mga aksyon ng mga awtoridad sa pamahalaan, iba pang third party, o kaganapan na hindi namin kontrolado.

3. Ang Paggamit Mo ng Serbisyo ng Spotify

Paggawa ng Spotify account

Maaaring kailangan mong gumawa ng Spotify account para magamit ang lahat o bahagi ng Serbisyo ng Spotify. Para lang sa personal mong paggamit ang iyong username at password, at kailangang panatilihing kumpidensyal ang mga ito. Nauunawaan mong responsibilidad mo ang lahat ng paggamit (kabilang ang anumang hindi awtorisadong paggamit) ng iyong username at password. Abisuhan agad ang aming team ng Serbisyo sa Customer kung nawala o nanakaw ang iyong username o password, o kung naniniwala kang nagkaroon ng hindi awtorisadong pag-access sa iyong account.

Puwedeng bawiin o puwedeng ipabago sa iyo ng Spotify ang iyong username para sa anumang dahilan.

Mga karapatan mo sa paggamit sa Serbisyo ng Spotify

Access sa Mga Serbisyo ng Spotify

Depende sa pagsunod mo sa Mga Tuntuning ito (kabilang ang anumang iba pang naaangkop na tuntunin at kondisyon), binibigyan ka namin ng limitado, hindi eksklusibo, at nababawing pahintulot para gamitin sa paraang personal at hindi komersyal ang Serbisyo ng Spotify at Content (sama-samang tinatawag na "Access"). Mananatiling may bisa ang Access na ito hanggang sa at maliban kung wakasan mo ito o ng Spotify. Sumasang-ayon ka na hindi mo ire-redistribute o ililipat ang Serbisyo ng Spotify o Content.

Ang mga software application ng Spotify at ang Content ay hindi lisensyado sa iyo, at hindi rin ibinebenta o inililipat sa iyo, at nananatili sa Spotify at mga tagalisensya nito ang pagmamay-ari ng lahat ng kopya ng mga software application ng Spotify at Content kahit pagkatapos ng pag-install sa iyong Mga Device.

Mga Karapatan sa Pagmamay-ari ng Spotify

Ang Serbisyo ng Spotify at ang Content ay pagmamay-ari ng Spotify o mga tagalisensya ng Spotify. Ang lahat ng trademark, service mark, trade name, logo, domain name, at anupamang feature ng brand na Spotify ("Mga Feature ng Brand na Spotify") ay sariling pagmamay-ari ng Spotify o mga tagalisensya nito. Hindi ka binibigyan ng Mga Tuntuning ito ng anumang karapatang gamitin ang anumang Feature ng Brand na Spotify para sa komersyal o hindi komersyal na paggamit.

Sumasang-ayon kang sumunod sa aming Mga Alituntunin ng User ng Spotify at hindi gamitin ang Serbisyo ng Spotify, ang Content, o anumang bahagi nito sa anumang paraang hindi tahasang pinapahintulutan ng Mga Tuntuning ito.

Mga pagbabayad at pagkansela

Pagsingil

Puwede kang bumili ng Bayad na Subscription sa mismong Spotify o gamit ang isang third party sa pamamagitan ng:

  • advance na pagbabayad ng subscription kada buwan o iba pang nauulit na agwat na ipapaalam sa iyo bago ang pagbili mo; o
  • paunang pagbabayad na magbibigay sa iyo ng access sa Serbisyo ng Spotify sa loob ng isang takdang panahon ("Panahon ng Paunang Pagbabayad").

Kakalkulahin ang mga rate ng buwis batay sa impormasyong ibibigay mo at ang nalalapat na rate sa panahon ng buwanang pagsingil sa iyo.

Kung bumili ka ng access sa isang Bayad na Subscription gamit ang isang third party, maaaring may mailapat na hiwalay na mga tuntunin at kondisyon sa naturang third party sa paggamit mo ng Serbisyo ng Spotify bukod pa sa Mga Tuntuning ito. Kung bumili ka ng Bayad na Subscription gamit ang isang code, gift card, pre-paid na alok, o iba pang alok na ibinibigay o ibinebenta ng Spotify o sa ngalan nito para ma-access ang isang Bayad na Subscription ("Mga Code"), sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin sa Card ng Spotify.

Mga pagbabago sa presyo at buwis

Puwedeng baguhin ng Spotify ang presyo para sa Mga Bayad na Subscription nang pana-panahon, kabilang ang mga nauulit na bayarin sa subscription, ang Panahon ng Paunang Pagbabayad (para sa mga panahong hindi pa bayad), o Mga Code (inilarawan sa itaas), at ipapaalam sa iyo nang mas maaga sa pamamagitan ng isang makatuwirang abiso ang anumang pagbabago sa presyo. Magkakaroon ng bisa ang mga pagbabago sa presyo sa pagsisimula ng susunod na yugto ng subscription pagkatapos ng petsa ng pagbabago ng presyo. Alinsunod sa naaangkop na batas, sa pamamagitan ng patuloy na paggamit sa Serbisyo ng Spotify pagkatapos maipatupad ang pagbabago sa presyo, sumasang-ayon ka sa bagong presyo. Kung hindi ka sang-ayon sa pagbabago sa presyo, puwede mong tanggihan ang pagbabago sa pamamagitan ng pag-unsubscribe mula sa nalalapat na Bayad na Subscription bago ilapat ang pagbabago sa presyo.

Nakabatay ang mga rate ng buwis sa mga nalalapat na rate sa panahon ng buwanang pagsingil sa iyo. Puwedeng mabago ang mga halagang ito sa paglipas ng panahon dahil sa mga kinakailangan sa lokal na buwis sa iyong bansa, estado, teritoryo, o maging sa lungsod. Awtomatikong ilalapat ang anumang pagbabago sa rate ng Buwis batay sa ibibigay mong impormasyon ng account

Pag-renew at Pagkansela

Maliban sa Mga Bayad na Subscription para sa isang Panahon ng Paunang Pagbabayad, awtomatikong mare-renew sa katapusan ng nalalapat na panahon ng subscription ang pagbabayad mo sa Spotify o sa third party kung saan ka bumili ng Bayad na Subscription, maliban na lang kung kakanselahin mo ang iyong Bayad na Subscription bago ang katapusan ng kasalukuyang panahon ng subscription. Makipag-ugnayan sa aming team ng Suporta sa Customer dito para sa mga tagubilin kung paano magkakansela. Ilalapat ang pagkansela sa araw pagkatapos ng huling araw ng kasalukuyang panahon ng subscription, at mada-downgrade ka sa libreng bersyon ng Serbisyo ng Spotify. Hindi kami nagbibigay ng anumang refund o credit para sa anumang panahon ng subscription na hindi buo, maliban na lang kung hayagang isinaad sa Mga Tuntuning ito.

Kung bumili ka ng Bayad na Subscription gamit ang isang Code, awtomatikong magwawakas ang iyong subscription sa pagtatapos ng panahong nakasaad sa Code, o kapag hindi sapat ang balanse sa paunang pagbabayad para mabayaran ang Serbisyo ng Spotify.

Karapatang mag-withdraw

Kung nag-sign up ka para sa Trial, sumasang-ayon kang ang karapatang mag-withdraw para sa Bayad na Subscription kung saan ka nakakatanggap ng Trial ay magtatapos sa loob ng labing-apat (14) na araw pagkatapos mong simulan ang Trial. Kung hindi mo kakanselahin ang Bayad na Subscription bago matapos ang Trial, mawawala mo ang karapatang umalis at papahintulutan ang Spotify na awtomatiko kang singilin ng napagkasunduang presyo bawat buwan hanggang sa kanselahin mo ang Bayad na Subscription. Para sa mga trial na wala pang labing-apat (14) na araw, hayagan mo kaming pinapahintulutan na ilapat agad sa iyo ang bayad na serbisyo pagkatapos magwakas ng iyong Trial, at simula sa panahong iyon ay mawawala mo na ang karapatan mong mag-withdraw.

Kung bumili ka ng Bayad na Subscription nang walang Trial, sumasang-ayon ka na mayroon kang labing-apat (14) na araw pagkatapos bumili para mag-withdraw para sa anumang dahilan, at kailangan mo kaming bayaran para sa mga serbisyong ibinigay hanggang sa panahong sinabi mo sa amin na nagbago ang isip mo. . Hayagan mo kaming pinapahintulutan na ibigay agad sa iyo ang serbisyo pagkatapos mong bumili, na mawawala mo ang iyong karapatang mag-withdraw, at pinapahintulutan mo ang Spotify na singilin ka nang awtomatiko kada buwan hangga't hindi ka nagkakansela.

Mga Alituntunin sa User

Naglatag kami ng mga alituntunin sa paggamit sa Serbisyo ng Spotify, para matiyak na mananatiling kaaya-aya para sa lahat ang Serbisyo ng Spotify ("Mga Alituntunin sa User ng Spotify"). Sa paggamit sa Serbisyo ng Spotify, dapat kang sumunod sa Mga Alituntunin sa User ng Spotify, pati na sa lahat ng naaangkop na batas, patakaran, at regulasyon, at kailangan mong respetuhin ang karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari, privacy, at iba pang karapatan ng mga third party.

Mga Brand Account

Kung gagawa ka ng Spotify account sa ngalan ng isang kumpanya, organisasyon, entity, o brand (isang "Brand," at ang naturang account ay "Brand Account"), nalalapat sa iyo at sa Brand ang mga terminong "ikaw" at "iyong," gaya ng pagkakagamit sa mga ito sa kabuuan ng Mga Tuntuning ito (kabilang na ang iba pang tuntunin at kondisyon ng Spotify na kasama rito sa pamamagitan ng pagbanggit).

Kung gagawa ka ng Brand Account, kinakatawan at ginagarantiya mo na awtorisado kang ibigay ang lahat ng pahintulot at lisensyang nasa Mga Tuntuning ito (kabilang na ang anumang iba pang nalalapat na tuntunin at kondisyon ng Spotify) at itali ang Brand sa Mga Tuntuning ito.

Magagawa ng Brand na sumubaybay ng mga user, at gumawa at magbahagi ng mga playlist, basta't hindi magsasagawa ang Brand ng anumang pagkilos na nagpapahiwatig ng pag-endorso o komersyal na ugnayan sa pagitan ng Brand at ng sinusubaybayang user, artist, songwriter, o sinupamang tao, maliban kung hiwalay na nakuha ng Brand ang mga karapatan para ipahiwatig ang naturang pag-endorso. Bukod pa rito, dapat ay tapat ang Mga Brand sa aming mga user tungkol sa pagbunyag ng anumang pag-endorso o bayad na ibinibigay sa mga artist, songwriter, user, o anupamang panig at dapat sumunod sa lahat ng naaangkop na batas, regulasyon, at code ng kasanayan kapag nasasangkot sa mga nabanggit na kasanayan.

Pagkontrol sa pag-export at mga parusa

Ang mga produkto ng Spotify ay puwedeng mapailalim sa mga batas sa pagkontrol ng pag-export at muling pag-export ng U.S. o mga katulad na batas na naaangkop sa iba pang hurisdiksyon, kabilang ang Export Administration Regulations ("EAR") na pinapanatili ng U.S. Department of Commerce, mga parusa sa trade at ekonomiya na ipinapatupad ng Office of Foreign Assets Control ("OFAC") ng Treasury Department, at ng International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na ipinapatupad ng Department of State. Ginagarantiya mong ikaw ay (1) wala sa anumang bansa kung saan nag-embargo ang United States ng mga kalakal o naglapat ng anumang parusa sa ekonomiya; at (2) hindi isang ipinagbabawal na partido ayon sa nakasaad sa anumang naaangkop na batas o regulasyon sa pag-export o muling pag-export o mga katulad na batas na naaangkop sa ibang hurisdiksyon o kaya ay nasa anumang listahan ng pamahalaan ng U.S. na naglalaman ng mga ipinagbabawal o pinaghihigpitang partido.

Sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa pagkontrol ng pag-export at muling pag-export, kabilang nang walang limitasyon ang EAR at mga parusa sa trade at ekonomiya na ipinapatupad ng OFAC. Sa partikular, sumasang-ayon kang hindi mo gagawin – nang direkta o hindi direkta – na gumamit, magbenta, mag-export, muling mag-export, maglipat, maglihis, maglabas, o magtapon ng anumang produkto, software, o teknolohiya (kabilang ang mga produktong nakuha mula o batay sa naturang teknolohiya) na natanggap mula sa Spotify sa ilalim ng Mga Tuntuning ito sa anumang destinasyon, entity, o tao o para sa anumang paggamit na pinagbabawalan ng EAR, mga parusa sa trade at ekonomiya na ipinapatupad ng OFAC, o anupamang naaangkop na hurisdiksyon nang hindi kumukuha ng anumang paunang pahintulot mula sa mga may kakayahang awtoridad ng pamahalaan ayon sa inaatas ng mga naturang batas at regulasyon.

4. Mga Karapatan sa Content at Intelektwal na Pagmamay-ari

Content ng user

Ang content na pino-post mo sa serbisyo

Ang mga user ng Spotify ay puwedeng mag-post, mag-upload, o kaya ay mag-ambag ng content sa Serbisyo ng Spotify ("Content ng User"). Para sa paglilinaw, kasama sa "Content ng User" ang lahat ng impormasyon, materyal, at iba pang content na idinaragdag, ginagawa, ina-upload, isinusumite, ibinabahagi, o pino-post ng mga user sa Serbisyo ng Spotify (kabilang ang nasa Komunidad ng Suporta ng Spotify).

Ikaw lang ang may responsibilidad para sa lahat ng Content ng User na pino-post mo.

Ipinapangako mong, kaugnay ng anumang Content ng User na ipo-post mo sa Spotify, (1) pagmamay-ari mo o may karapatan kang i-post ang naturang Content ng User; (2) ang naturang Content ng User, o ang paggamit dito ng Spotify alinsunod sa lisensyang ibinigay sa ibaba, ay hindi: (i) lumalabag sa Mga Tuntuning ito, sa naaangkop na batas, o sa mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari o iba pang karapatan ng sinumang third party; o (ii) ang naturang Content ng User ay hindi nagpapahiwatig ng anumang kaugnayan o pag-endorso sa iyo o sa Content ng User mo ng Spotify o sinuman o anumang artist, banda, label, o iba pang indibidwal o entity nang walang paunang hayagang nakasulat na pahintulot mula sa Spotify o sa naturang indibidwal o entity.

Sa pamamagitan ng pag-post o pagbabahagi ng Content ng User o iba pang impormasyon sa Serbisyo ng Spotify, pakitandaan na maa-access ng publiko ang content at iba pang impormasyon, at puwede itong magamit at ma-reshare ng iba sa Serbisyo ng Spotify at sa buong web, kaya maging maingat sa pag-post o pagbabahagi sa Serbisyo ng Spotify, at maging maingat sa mga setting ng account mo. Hindi responsibilidad ng Spotify ang mga pino-post o ibinabahagi mo o ng iba sa Serbisyo ng Spotify.

Pagsubaybay sa content ng user

Puwedeng gawin ng Spotify, pero hindi nito obligasyon, na subaybayan o suriin ang Content ng User. Nakalaan sa Spotify ang karapatang mag-alis o mag-disable ng access sa anumang Content ng User para sa anumang dahilan, o kahit walang dahilan. Puwedeng isagawa ng Spotify ang mga pagkilos na ito nang walang paunang abiso sa iyo.

Mga lisensyang ibinibigay mo sa amin

Content ng User

Mananatili sa iyo ang pagmamay-ari sa iyong Content ng User kapag na-post mo ito sa Serbisyo. Gayunpaman, para magawa naming available sa Serbisyo ng Spotify ang iyong Content ng User, mangangailangan kami ng limitadong lisensya mula sa iyo para sa naturang Content ng User. Dahil dito, binibigyan mo ang Spotify ng hindi eksklusibo, naililipat, nasa-sublicense, walang royalty, ganap na bayad, hindi nababawi, at pandaigdigang lisensya para i-reproduce, gawing available, ipatupad at ipakita, isalin, baguhin, gawan ng mga hinangong gawa, ipamahagi, at gamitin sa iba pang paraan ang anumang naturang Content ng User sa pamamagitan ng anumang medium, mag-isa man o may kasamang ibang Content o materyales, sa anumang estilo at anumang paraan, proseso, o teknolohiya, kilala man ngayon o gagawin pa lang sa hinaharap, kaugnay ng Serbisyo ng Spotify. Kapag naaangkop at hangga't pinapahintulutan sa ilalim ng naaangkop na batas, sumasang-ayon ka ring i-waive, at hindi ipatupad, ang anumang "moral na karapatan" o katumbas na karapatan, gaya ng karapatan mong makilala bilang may-akda ng anumang Content ng User, kabilang ang Feedback, at karapatan mong tumutol sa mapanirang-puring paggamit sa naturang Content ng User.

Feedback

Kung magbibigay ka ng mga ideya, mungkahi, o iba pang feedback kaugnay ng paggamit mo ng Serbisyo ng Spotify o anumang Content ("Feedback"), hindi kumpidensyal ang naturang Feedback at puwede itong gamitin ng Spotify nang walang paghihigpit at nang hindi ka binabayaran. Itinuturing na uri ng Content ng User ang Feedback sa ilalim ng Mga Tuntuning ito.

Iyong Device.

Ibinibigay mo rin sa amin ang karapatang (1) payagan ang Serbisyo ng Spotify na gamitin ang processor, bandwidth, at storage hardware sa iyong Device para mapatakbo ang Serbisyo ng Spotify, (2) magbigay ng pag-advertise at iba pang impormasyon sa iyo, at payagan ang aming mga kasosyo sa negosyo na gawin rin iyon, ayon sa pinapahintulutan alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Spotify.

Karanasan sa content

Sa anumang bahagi ng Serbisyo ng Spotify, ang Content na ia-access mo, kabilang ang pagkakapili at pagkakalagay nito, ay puwedeng maimpluwensyahan ng mga komersyal na pagsasaalang-alang, kabilang ang mga kasunduan ng Spotify sa mga third party.

Puwedeng maglaman ng pag-advertise ang ilang Content na lisensyado ng, ibinigay sa, ginawa ng, o ginawang available ng Spotify (hal. mga podcast), at hindi responsibilidad ng Spotify ang anumang naturang pag-advertise.

Mga claim ng paglabag

Nirerespeto ng Spotify ang mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng mga may-ari. Kung naniniwala kang nilalabag ng anumang Content ang iyong mga karapatan sa copyright, pakibasa ang Patakaran sa Copyright ng Spotify.

5. Suporta sa Customer, Impormasyon, Mga Tanong, at Mga Reklamo

Komunidad ng Suporta ng Spotify

Ang Komunidad ng Suporta ng Spotify ay isang lugar para sa mga talakayan at pagpapalitan ng mga impormasyon, tip, at iba pang materyal na nauugnay sa Serbisyo ng Spotify. Sa paggamit ng Komunidad ng Suporta ng Spotify, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Komunidad.

Suporta sa Customer, Impormasyon, Mga Tanong, Reklamo

Para sa suporta sa customer na may mga tanong na nauugnay sa account at pagbabayad ("Mga Tanong sa Suporta sa Customer"), pakigamit ang mga resource ng Suporta sa Customer na nakalista sa seksyong Tungkol sa Amin ng aming website.

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Serbisyo ng Spotify o sa Mga Tuntuning ito (kabilang ang anumang karagdagang tuntunin at kondisyon ng Spotify na kasama rito), mangyaring makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer ng Spotify sa pamamagitan ng pagbisita sa seksyong Tungkol sa Amin ng aming website.

Kung nakatira ka sa European Union, puwede ka ring maghain ng reklamo sa online na platform para sa alternatibong paglutas ng alitan (ODR-platform). Makikita mo ang ODR-platform sa pamamagitan ng sumusunod na link: https://ec.europa.eu/consumers/odr.

6. Mga Problema at Alitan

Pagsususpinde at pagwawakas sa Mga Serbisyo ng Spotify

Patuloy na malalapat ang Mga Tuntuning ito sa iyo hanggang sa wakasan mo o ng Spotify ang mga ito. Puwedeng wakasan ng Spotify ang Mga Tuntuning ito (kabilang na ang anumang karagdagang tuntunin at kondisyong kasama rito) o puwede nitong wakasan ang iyong access sa Serbisyo ng Spotify anumang oras kung naniniwala kaming nilabag mo ang alinman sa Mga Tuntuning ito, kung ihihinto na namin ang pagbibigay sa Serbisyo ng Spotify o anumang mahalagang bahagi nito nang may makatuwirang abiso sa iyo, o kung sa tingin namin ay kinakailangan ito para makasunod sa naaangkop na batas. Kung wawakasan mo o ng Spotify ang Mga Tuntuning ito, o kung sususpindihin ng Spotify ang access mo sa Serbisyo ng Spotify, sumasang-ayon ka na hindi dapat managot at wala dapat responsibilidad sa iyo ang Spotify, alinsunod sa mga naaangkop na batas, at (maliban na lang kung hayagang nakasaad sa Mga Tuntuning ito) walang ire-refund sa iyong anumang halaga ang Spotify na naibayad mo na. Puwede mong wakasan ang Mga Tuntuning ito anumang oras, sa ganitong pagkakataon, hindi mo na maa-access o magagamit ang Serbisyo ng Spotify. Para matutunan kung paano wakasan ang iyong Spotify account, makipag-ugnayan sa Suporta sa Customer sa aming page na Tungkol sa Amin.

Dapat manatili sa kabila ng pagwawakas ang Mga Seksyon 4 (Mga Karapatan sa Content at Intelektwal na Pagmamay-ari), 3 (Paggamit Mo ng Serbisyo ng Spotify), 2 (Ang Serbisyo ng Spotify na Ibinibigay Namin), 6 (Mga Problema at Alitan), 7 (Tungkol sa Mga Tuntuning Ito), pati na ang anumang iba pang seksyon ng Mga Tuntuning ito na dapat manatiling may bisa kahit wakasan ang Mga Tuntuning ito, hayagan man o sa pamamagitan ng katangian ng mga ito.

Mga disclaimer ng warranty

Ibibigay ng Spotify ang Serbisyo ng Spotify nang may makatuwirang pag-iingat at kakayahan at alinsunod sa anumang ispesipikasyon ng Serbisyo ng Spotify na ibinigay ng Spotify, gayunpaman, alinsunod dito, ibinibigay ang Serbisyo ng Spotify "bilang ganoon" at "kapag available," nang walang anumang uri ng garantiya, ipinahayag man, ipinahiwatig, o nasa batas. Bilang karagdagan, dini-disclaim ng Spotify at ng lahat ng may-ari ng content ang anumang ipinahayag, ipinahiwatig, at nasa batas na warranty kaugnay ng content, kabilang ang mga warranty ng kasiya-siyang kalidad, kakayahang maikalakal, kaangkupan para sa isang partikular na layunin, o hindi paglabag. Hindi ginagarantiya ng Spotify o sinuman o anumang may-ari ng content na ang Serbisyo ng Spotify ay walang malware o iba pang mapanganib na bahagi. Bukod pa rito, walang nirerepresenta, ginagarantiya, o inaakong responsiblidad ang Spotify para sa anumang application ng third party (o content nito), content ng user, mga device, o anumang produkto o serbisyong ina-advertise, pino-promote, o iniaalok ng third party sa o sa pamamagitan ng Serbisyo ng Spotify o anumang naka-hyperlink na website, at hindi responsibilidad ng Spotify ang anumang transaksyon sa pagitan mo at ng mga third party na provider ng mga nabanggit. Walang payo o impormasyon, pasalita man o pasulat, na nakuha mo mula sa Spotify ang gagawa ng anumang warranty sa ngalan ng Spotify. Habang ginagamit ang Serbisyo ng Spotify, puwede kang magkaroon ng access sa mga feature sa pag-filter ng tahasang content, pero puwede ka pa ring mahatiran ng ilang tahasang content sa kabila ng paggamit mo sa mga feature na ito at hindi ka dapat umasa sa mga naturang feature para ma-filter ang lahat ng tahasang content. Nalalapat ang seksyong ito hanggang sa saklaw na pinapahintulutan ng naaangkop na batas.

Ipinagbabawal ng ilang hurisdiksyon ang pagbubukod ng mga ipinahiwatig na warranty o limitasyon sa mga naaangkop na karapatang nasa batas bilang consumer, kaya posibleng hindi nalalapat sa iyo ang pagbubukod at mga limitasyon sa seksyong ito at walang makakaapekto sa iyong mga karapatang nasa batas.

Limitasyon ng Pananagutan at Oras ng Paghahain ng Claim

Alinsunod sa naaangkop na batas, sumasang-ayon kang ang tangi at eksklusibong remedyo mo para sa anumang problema o kawalan ng kasiyahan sa Serbisyo ng Spotify ay i-uninstall ang anumang software ng Spotify at ihinto ang paggamit ng Serbisyo ng Spotify. Sumasang-ayon kang walang obligasyon o pananagutan ang Spotify na mula sa o kaugnay ng mga application ng third party o ng content nito na ginawang available sa pamamagitan ng o kaugnay ng Serbisyo ng Spotify, at bagama't ang iyong ugnayan sa naturang mga application ng third party ay puwedeng pamahalaan ng mga hiwalay na kasunduan sa mga naturang third party, ang tangi at eksklusibong remedyo mo, kaugnay ng Spotify, para sa anumang problema o kawalan ng kasiyahan sa mga application ng third party o content nito, ay i-uninstall o ihinto ang paggamit ng mga naturang application ng third party.

**Hindi kailanman mananagot ang Spotify, mga opisyal nito, shareholder, empleyado, ahente, direktor, subsidiary, affiliate, successor, itinalaga, supplier, o tagalisensya para sa (1) anumang hindi direkta, espesyal, insidental, pamparusa, huwaran, o kinahihinatnan na danyos; (2) anumang pagkawala ng paggamit, data, negosyo, o kita (direkta man o hindi direkta), sa lahat ng pagkakataon na dulot ng paggamit ng o kawalan ng kakayahang magamit ang Serbisyo ng Spotify, mga device, mga application ng third-party, o content ng application ng third-party; o (3) pinagsama-samang pananagutan para sa lahat ng claim na nauugnay sa Serbisyo ng Spotify, mga application ng third-party, o content ng application ng third-party na lampas sa (a) mga halagang ibinayad mo sa Spotify sa loob ng labindalawang buwan bago ang unang claim; o (b) $30.00. Ang anumang pananagutang mayroon kami para sa mga pagkawalang matatamo mo ay mahigpit na limitado sa mga pagkawalang makatuwirang maiisip. **

Para sa paglilinaw, hindi nililimitahan ng mga tuntuning ito ang pananagutan ng Spotify sa panloloko, mapanlokong misrepresentasyon, pagkamatay, o personal na injury hangga't ipinagbabawal ng naaangkop na batas ang naturang limitasyon at para sa anupamang pananagutan na hindi puwedeng limitahan o ibukod alinsunod sa naaangkop na batas.

**Maliban kung ipinagbabawal sa ilalim ng naaangkop na batas ang naturang paghihigpit, dapat simulan ang anumang claim na resulta ng mga tuntuning ito (sa pamamagitan ng paghahain ng demanda para sa arbitrasyon o paghahain ng indibidwal na aksyon sa ilalim ng kasunduan ng arbitrasyon sa ibaba) sa loob ng isang (1) taon pagkatapos ng petsa kung kailan unang nalaman o makatuwirang dapat nalaman ng partidong naghahain ng claim ang tungkol sa aksyon, kakulangan, o hindi pagtupad na naging dahilan ng claim; at walang karapatan sa anumang remedyo para sa anumang claim na hindi inihain sa loob ng naturang yugto ng panahon. **

Mga Karapatan ng Third Party

Tinatanggap mo at sumasang-ayon kang ang mga may-ari ng Content at ilang partikular na distributor (gaya ng mga provider ng app store) ay mga nilalayong benepisyaryo ng Mga Tuntunin at may karapatan silang ipatupad ang Mga Tuntuning ito nang direkta sa iyo. Maliban sa nakasaad sa seksyong ito, hindi nilalayon ng Mga Tuntuning ito na magbigay ng mga karapatan sa sinuman maliban sa iyo at sa Spotify, at hindi kailanman gagawa ang Mga Tuntuning ito ng anumang karapatan ng third party na benepisyaryo.

Kung nag-download ka ng alinman sa aming mga mobile software application (tinatawag na "App" ang bawat isa) mula sa Apple Inc. ("Apple") App Store, o kung ginagamit mo ang App sa isang iOS device, kinikilala mong nabasa mo, nauunawaan mo, at sumasang-ayon ka sa sumusunod na abiso tungkol sa Apple. Ang Mga Tuntuning ito ay sa pagitan lang ninyo ng Spotify, hindi kasama ang Apple, at hindi responsibilidad ng Apple ang Serbisyo ng Spotify at ang content nito. Walang obligasyon o anupaman ang Apple na magbigay ng anumang serbisyo ng maintenance at suporta kaugnay ng Serbisyo ng Spotify. Kapag nagkaroon ng anumang pagkabigo ang Serbisyo ng Spotify na sumunod sa anumang naaangkop na warranty, puwede mong abisuhan ang Apple at ire-refund ng Apple sa iyo ang anumang naaangkop na presyo ng pagbili para sa App; at hanggang sa saklaw na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, wala nang iba pang obligasyon ng warranty o anupaman ang Apple kaugnay ng Serbisyo ng Spotify. Hindi responsibilidad ng Apple ang pagtugon sa anumang claim mula sa iyo o anumang third party na nauugnay sa Serbisyo ng Spotify o sa pagkakaroon o paggamit mo ng Serbisyo ng Spotify, kabilang ang: (1) mga claim ng pananagutan sa produkto; (2) anumang claim na hindi nakasunod ang Serbisyo ng Spotify sa anumang naaangkop na legal o panregulasyong kinakailangan; (3) mga claim sa ilalim ng proteksyon sa consumer o katulad na lehislasyon; at (4) mga claim kaugnay ng paglabag sa intelektwal na pagmamay-ari. Hindi responsibilidad ng Apple ang pagsisiyasat, pagdepensa, pag-areglo, at pag-discharge ng anumang claim ng third party na ang Serbisyo ng Spotify o ang pagkakaroon at paggamit mo ng App ay lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng third party. Sumasang-ayon kang sumunod sa anumang naaangkop na tuntunin ng third-party, kapag gumagamit ng Serbisyo ng Spotify. Ang Apple, at ang mga subsidiary ng Apple, ay mga third party na benepisyaryo ng Mga Tuntuning ito, at sa pagtanggap mo sa Mga Tuntuning ito, magkakaron ng karapatan ang Apple (at ituturing na tinanggap nito ang karapatan) na ipatupad ang Mga Tuntuning ito laban sa iyo bilang third party na benepisyaryo ng Mga Tuntuning ito.

Pagbabayad ng Danyos

Sumasang-ayon kang magbayad ng danyos at hindi ipahamak ang Spotify mula at laban sa lahat ng anumang uri ng makatuwirang maiisip na pinsala, pagkawala, at makatuwirang gastusin (kabilang ang mga makatuwirang bayarin at gastusin sa abogado) dulot ng o kaugnay ng: (1) iyong paglabag sa Mga Tuntuning ito (kabilang na ang anumang karagdagang tuntunin at kondisyon ng Spotify na kasama rito); (2) anumang Content ng User na na-post o iniambag mo; (3) anumang aktibidad na ginawa mo sa o gamit ang Serbisyo ng Spotify; at (4) paglabag mo sa anumang batas o mga karapatan ng third party.

Sumasaklaw na Batas, Mandatoryong Arbitrasyon at Pagdudulugan

6.1 Sumasaklaw na Batas / Hurisdiksyon

Maliban kung iba ang kinakailangan ng mga mandatoryong batas sa tinitirhan mong bansa, ang Mga Kasunduan (at anumang alitan/claim na labas sa kontrata mula sa o kaugnay ng mga ito) ay napapailalim sa mga batas ng estado o bansang nakalista sa ibaba, nang walang pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo ng sumasaklaw na batas o mga salungatan ng batas.

Sumasang-ayon ka rin at ang Spotify sa hurisdiksyon ng mga korteng nakalista sa ibaba para resolbahin ang anumang alitan, claim, o kontrobersiya kaugnay ng Mga Kasunduang ito (at anumang alitan/claim na wala sa kontrata na dulot ng o nauugnay sa mga ito), maliban na lang kung sa ilalim ng mga naaangkop na mandatoryong batas ay puwede mong piliing dalhin ang mga legal na pagdinig sa iyong tinitirhang bansa, o kung sa tinitirhan mo lang na bansa kami pinapayagang magdala ng mga legal na pagdinig

Bansa o rehiyon
Nalalapat na Batas Hurisdiksyon
Lahat ng iba pang bansa at rehiyon kung saan available ang Spotify.
Sweden
Eksklusibo; Mga Korte ng Sweden
Bulgaria, Cyprus, Estonia, France, Hong Kong, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Monaco, Norway, Pilipinas, Portugal, Slovakia, Spain, Turkey
Mga Batas ng Sweden
Hindi eksklusibo; Mga Korte ng Sweden
Brazil
Mga Batas ng Brazil
Eksklusibo; Mga Estado at Pederal na Korte ng São Paulo, Estado ng São Paulo, Brazil
Canada
Hindi naaangkop sa mga residente ng Quebec: Mga Batas ng Probinsya ng Ontario, Mga Residente ng Quebec: Mga Batas ng Probinsya ng Quebec, Canada
Hindi naaangkop sa mga residente ng Quebec: Eksklusibo maliban sa layunin ng pagpapatupad ng mga desisyon; Mga Korte ng Ontario, Canada, Mga Residente ng Quebec: Mga Korte ng Quebec, Canada
Argentina, Bolivia, Chile, Colombia, Costa Rica, Dominican Republic, Ecuador, El Salvador, Guatemala, Honduras, Nicaragua, Panama, Paraguay, Peru, Uruguay
Estado ng California, United States
Eksklusibo; Mga Estado at Pederal na Korte ng San Francisco County, CA o New York, NY
United Kingdom
Mga Batas ng England at Wales
Eksklusibo

6.2 WAIVER NG CLASS ACTION

KAPAG PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, SUMASANG-AYON KANG MAGAGAWA NINYO NG SPOTIFY NA ANG BAWAT ISA AY PUWEDENG MAGSAMPA NG CLAIM LABAN SA KABILANG PANIG SA SARI-SARILI NINYO LANG NA INDIBIDWAL NA KAKAYAHAN AT HINDI BILANG ISANG PLAINTIFF O MIYEMBRO NG KLASE SA ANUMANG SINSASABING CLASS O REPRESENTATIVE ACTION. Maliban kung sumang-ayon kayo pareho ng Spotify, walang arbitrator o huradong puwedeng magsama-sama ng claim ng higit sa isang tao o mamahala sa anumang uri ng paglilitis ng representative o class action.

6.3 ARBITRASYON

Kung ikaw ay nasa, nakabase sa, may mga opisina sa, o nagnenegosyo sa isang hurisdiksyon kung saan napapatupad ang Seksyon 6.3. na ito, nalalapat sa iyo ang mga sumusunod na probisyon ng mandatoryong arbitrasyon:

6.3.1 Paglutas ng alitan at arbitrasyon

Sumasang-ayon kayo ng Spotify na ang anumang alitan, claim, o kontrobersya sa pagitan ninyo ng Spotify mula sa o kaugnay sa anumang paraan sa Mga Kasunduan na ito o sa ugnayan mo sa Spotify bilang user ng Serbisyo (batay man sa kontrata, tort, batas, panloloko, misrepresentasyon, o anupamang legal na teorya, at mangyari man ang mga claim sa panahon ng o pagkatapos ng pagwawakas ng Mga Kasunduan) ay tutukuyin bilang mandatoryong may bisang indibidwal na arbitrasyon. Mas hindi pormal ang arbitrasyon kaysa sa kaso sa korte. WALANG HURADO O HUKUMAN SA ARBITRASYON, AT LIMITADO ANG PAGSUSURI NG KORTE SA AWARD NG ARBITRASYON. Puwedeng mas limitado ang matuklasan kaysa sa korte. Dapat sundin ng arbitrator ang kasunduang ito at puwede siyang magbigay ng parehong mga danyos at kaluwagan gaya ng korte (kabilang ang mga bayarin sa abogado), maliban sa hindi puwedeng magbigay ang arbitrator ng deklaratoryo o injunctive na kaluwagang makakabenepisyo sa sinuman bukod sa mga panig sa arbitrasyon. Mananatili ang probisyong ito ng arbitrasyon sa kabila ng pagwawakas ng Mga Kasunduan.

6.3.2 Mga pagbubukod

Sa kabilang ng nabanggit na sugnay 6.3.1 sa itaas, pareho kayong sumasang-ayon ng Spotify na wala rito ang ituturing na nag-waive, pumigil, o naglilimita sa alinman sa ating mga karapatan, anumang oras, para (1) maghain ng indibidwal na pagkilos sa isang korte para sa maliliit na claim, (2) magsagawa ng mga pagkilos ng pagpapatupad sa pamamagitan ng naaangkop na mga pederal, estado, o lokal na ahensya kung saan available ang mga naturang pagkilos, (3) humingi ng injunctive na kaluwagan sa korte ng batas, o (4) maghain ng kaso sa isang korte ng batas para tugunan ang mga claim ng paglabag sa intelektwal na pagmamay-ari.

6.3.3 Mga panuntunan ng arbitrasyon

Sinuman sa atin ay puwedeng magsimula ng mga paglilitis ng arbitrasyon. Ang anumang arbitrasyon sa pagitan ninyo ng Spotify ay pinal na aaregluhin sa ilalim ng Mga Panuntunan ng Arbitrasyon ng International Chamber of Commerce (ang "ICC") na ipinapatupad (ang "Mga Panuntunan ng ICC") ng isa o higit pang arbitrator na naitalaga alinsunod sa Mga Panuntunan ng ICC, ayon sa pagbabago ng Mga Kasunduang ito, at ipapatupad ng International Court of Arbitration ng ICC.

Isasagawa ang anumang arbitrasyon sa wikang English at maliban kung iba ang kinakailangan ng mandatoryong batas ng miyembrong estado ng European Union o anupamang hurisdiksyon, ang batas na ilalapat sa anumang arbitrasyon ay ang batas ng [nauugnay na estado o bansang nakasaad sa sugnay 6.1], nang walang pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo ng sumasaklaw na batas o mga salungatan ng batas.

6.3.4 Panahon para sa paghahain

Dapat simulan ang anumang arbitrasyon sa pamamagitan ng paghahain ng demanda para sa arbitrasyon sa loob ng ISANG (1) TAON pagkatapos ng petsa kung kailan unang nalaman o makatuwirang dapat nalaman ng panig na naghahain ng claim ang tungkol sa pagkilos, pagkawala, o pagkaantalang pinagmulan ng claim, at walang karapatan sa anumang remedyo para sa claim na hindi ihinain sa loob ng naturang yugto ng panahon. Kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas ang yugto ng limitasyong isang taon para sa paghahain ng mga claim, ang anumang claim ay dapat ihain sa loob ng pinakamaikling yugto ng panahong pinapahintulutan ng naaangkop na batas.

6.3.5 Abiso; Proseso

Ang isang panig na naglalayong humingi ng arbitrasyon ay dapat munang magpadala ng nakasulat na abiso ng alitan sa kabilang panig, sa pamamagitan ng sertipikadong mail o Federal Express (kinakailangan ang lagda), o kapag wala kaming pisikal na address sa file para sa iyo, sa pamamagitan ng electronic mail ("Abiso"). Ang address ng Spotify para sa Abiso ay: [Spotify, Attn: General Counsel, 4 World Trade Center, 150 Greenwich Street, 62nd Floor, New York, New York 10007, USA]. Dapat gawin ng Abiso na (1) ilarawan ang katangian at batayan ng claim o alitan; at (2) isaad ang partikular na kaluwagang hinihingi ("Demanda"). Sumasang-ayon kaming gumamit ng mabuting layunin para lutasin ang claim nang direkta, pero kapag hindi kami nakakuha ng kasunduang gawin ito sa loob ng 30 araw pagkatapos matanggap ang Abiso, ikaw o ang Spotify ay puwedeng magsimula ng paglilitis ng arbitrasyon. Sa panahon ng arbitrasyon, ang halaga ng anumang alok ng pag-areglo na ginawa mo o ng Spotify ay hindi ibubunyag sa arbitrator hanggang sa pagkatapos gumawa ng arbitrator ng pinal na pasya at award, kung mayroon. Kapag sa wakas ay nalutas na ang ating alitan sa pamamagitan ng arbitrasyon sa pabor mo, babayaran ka ng Spotify ng (1) halagang ipinataw ng arbitrator, kung mayroon, (2) huling nakasulat na halaga ng pag-areglo na inialok ng Spotify para sa pag-areglo ng alitan bago ang pagpataw ng arbitrator; o (3) $1,000.00, kung ano ang mas mataas. Ang lahat ng dokumento at impormasyong ibinunyag habang nasa arbitrasyon ay papanatilihing lubos na kumpidensyal ng tatanggap at hindi gagamitin ng tatanggap para sa anumang layunin maliban sa mga layunin ng arbitrasyon o pagpapatupad ng pasya at ipinataw ng arbitrator, at hindi ibubunyag maliban sa paraang kumpidensyal sa mga taong kailangang makaalam para sa mga naturang layunin o kapag kinakailangan ng naaangkop na batas. Maliban kung kinakailangan para ipatupad ang pasya at ipinataw ng arbitrator, hindi dapat gumawa ang sinuman sa inyo ng Spotify ng anumang pampublikong anunsyo o pampublikong komento o mag-umpisa ng anumang publicity kaugnay ng arbitrasyon, kabilang ang, pero hindi limitado sa, impormasyong nasa alitan ang mga partido, ang pagkakaroon ng arbitrasyon, o anumang pasya o ipinataw ng arbitrator.

6.3.6 Mga Pagbabago

Kapag gumawa ang Spotify ng anumang pagbabago sa hinaharap sa probisyong ito ng arbitrasyon (maliban sa pagbabago sa address ng Spotify para sa Abiso), puwede mong tanggihan ang anumang naturang pagbabago sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin sa address ng Spotify para sa Abiso ng nakasulat na abiso sa loob ng 30 araw mula sa pagbabago, kung saan kaagad na wawakasan ang iyong account sa Spotify at ang probisyong ito ng arbitrasyon, na magkakaroon ng bisa kaagad bago ang mga pagbabagong tinanggihan mo, ay mananatili.

6.3.7 Pagpapatupad

Kapag napag-alamang ang waiver ng class action sa Seksyon 6.2 ay hindi maipapatupad sa arbitrasyon o kung ang anumang bahagi ng Seksyon 6.3 ay napag-alamang hindi wasto o hindi maipapatupad, ang kabuuan ng Seksyon 6.3 ay magiging walang bisa at, sa naturang sitwasyon, sumasang-ayon ang lahat ng panig na ang eksklusibong hurisdiksyon at lugar na nakalarawan sa Seksyon 6.1 ang mamamahala sa anumang aksyong dulot ng o kaugnay ng Mga Kasunduan at hindi ka dapat pigilang magpasimula ng mga pagdinig anumang oras.

7. Tungkol sa Mga Tuntuning Ito

Sa ilalim ng naaangkop na batas, posibleng may ilan kang partikular na karapatang hindi puwedeng limitahan ng isang kontrata. Hindi kailanman layunin ng mga tuntuning ito na limitahan ang mga karapatang iyon.

Mga Pagbabago

Puwede kaming magsagawa ng mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito (kabilang ang anumang karagdagang tuntunin at kondisyon ng Spotify na kasama rito sa pamamagitan ng pagbanggit) nang pana-panahon sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng abiso tungkol sa mga naturang pagbabago sa pamamagitan ng anumang makatuwirang paraan (bago ilapat ang mga ito), kabilang ang pag-post ng binagong Kasunduan sa naaangkop na Serbisyo ng Spotify (basta't para sa malalaking pagbabago, sisikapin naming dagdagan ang abiso sa pamamagitan ng email, isang pop-up na mensahe sa serbisyo, o iba pang paraan). Ang anumang naturang pagbabago ay hindi mailalapat sa anumang alitan natin bago ang petsa ng pag-post namin sa binagong Mga Tuntunin, o iba pang tuntunin at kondisyon ng Spotify, kung saan nakalapat ang mga naturang pagbabago, o kaya ay bago ka maabisuhan tungkol sa mga naturang pagbabago. Ang paggamit mo sa Serbisyo ng Spotify kasunod ng anumang pagbabago sa Mga Tuntuning ito ay mangangahulugan ng pagtanggap mo sa mga naturang pagbabago. Kung ayaw mo nang gamitin ang Serbisyo ng Spotify sa ilalim ng mga na-update na Tuntunin, puwede mong wakasan ang iyong account sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin. Ang petsa ng paglalapat na nakasulat sa itaas ng dokumentong ito ang nagsasaad kung kailan huling binago ang Mga Tuntuning ito.

Kabuuang Kasunduan

Maliban sa nakasaad sa seksyong ito o tahasang pinagkasunduan nang pasulat sa pagitan ninyo ng Spotify, binubuo ng Mga Tuntuning ito ang lahat ng tuntunin at kondisyong napagkasunduan ninyo ng Spotify at mangingibabaw ito sa anumang paunang kasunduan kaugnay ng mga pinag-uusapang bagay sa Mga Tuntuning ito, pasulat man o pasalita. Gaya ng nakasaad sa itaas, ang iba pang tuntunin at kondisyong sumasaklaw sa paggamit ng Serbisyo ng Spotify ay isinasama rito sa pamamagitan ng pagbanggit, kabilang na ang mga sumusunod na tuntunin at kondisyon: ang Mga Tuntunin sa Pampromosyong Alok ng Spotify Premium;Mga Tuntunin sa Card ng Spotify; ang Mga Alituntunin sa User ng Spotify; ang Patakaran sa Copyright ng Spotify; at ang Mga Tuntunin ng Komunidad ng Suporta ng Spotify.

Severability at Waiver

Maliban kung iba ang nakasaad sa Mga Tuntuning ito, kung may anumang probisyon sa Mga Tuntuning ito na napagpasyahang hindi wasto o hindi maipapatupad sa anumang dahilan o hanggang sa anumang saklaw, hindi maaapektuhan ang mga natitirang probisyon ng Mga Tuntuning ito, at ang paglalapat sa naturang probisyon ay dapat ipatupad hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng batas.

Ang anumang pagkabigo ng Spotify o anumang third party na benepisyaryo na ipatupad ang Mga Tuntuning ito o anumang probisyon nito ay hindi magwe-waive sa karapatan ng Spotify o ng naaangkop na third party na benepisyaryo na gawin ito.

Pagtatalaga

Puwedeng italaga ng Spotify ang anuman o ang lahat ng Tuntuning ito, at puwede nitong italaga o i-delegate, nang buo o bahagi lang, ang alinman sa mga karapatan o obligasyon nito sa ilalim ng Mga Tuntuning ito. Hindi mo puwedeng italaga ang Mga Tuntuning ito, nang buo o bahagi lang, o ilipat o i-sublicense ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Mga Tuntuning ito, sa anumang third party.