Privacy Policy ng Spotify
May bisa simula sa October 10, 2024
2. Mga karapatan at control mo sa personal na data
3. Personal na data na kinukuha namin tungkol sa'yo
4. Para saan namin ginagamit ang personal na data mo
5. Pag-share ng personal na data mo
8. Pag-iingat sa personal na data mo
10. Mga Pagbabago sa Policy na ito
1. Tungkol sa Policy na ito
Dine-describe ng Policy na ito kung paano namin ipinoproseso ang personal na data mo sa Spotify AB.
Nalalapat ito sa paggamit mo ng:
- lahat ng streaming service ng Spotify bilang user. Halimbawa, kasama rito ang:
- paggamit mo ng Spotify sa kahit anong device
- personalization ng user experience mo
- infrastructure na required para maibigay ang mga service namin
- pagkokonekta ng Spotify account mo sa isa pang application
- libre o may bayad na streaming option namin pareho (parehong 'Service Option')
- iba pang Spotify service na may link sa Privacy Policy na ito. Kasama sa mga ito ang mga website ng Spotify, Customer Service at ang Community Site
Mula ngayon, magkakasama naming tatawaging 'Spotify Service' ang mga ito.
Paminsan-minsan, pwede kaming mag-develop ng bago o mag-alok ng mga dagdag na service. Mapapailalim din ang mga ito sa Policy na ito, maliban kung iba ang sasabihin namin kapag ipinakilala namin ang mga ito.
Ang Policy na ito ay hindi...
- ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Spotify na hiwalay na document. Ina-outline ng Mga Tuntunin ng Paggamit ang legal na kontrata ninyo ng Spotify para sa paggamit ng Spotify Service. Dine-describe din nito ang rules ng Spotify at mga karapatan mo bilang user
- tungkol sa paggamit mo ng iba pang Spotify service na may sariling privacy policy. Kasama sa iba pang Spotify service ang Anchor, Soundtrap, Megaphone at ang Spotify Live app
Iba pang resource at settings
Nandito mismo sa Policy na ito ang mahalagang impormasyon tungkol sa personal na data mo. Sa kabila nito, baka gustuhin mong tingnan ang iba pa naming privacy resource at control:
- Privacy Center: User-friendly na hub na may mga summary ng mahahalagang topic.
- Privacy ng Account: Kontrolin ang pagpoproseso ng partikular na personal na data, kasama ang tailored na advertising.
- Notification Settings: I-set kung aling marketing communications ang matatanggap mo galing sa Spotify.
- Settings (makikita sa Desktop at Mobile version ng Spotify): Kontrolin ang ilang aspeto ng Spotify Service gaya ng 'Social' o 'Explicit na Content'. Sa 'Social' setting, magagawa mong:
- magsimula ng Pribadong session
- piliin kung ishe-share sa mga follower mo ang pinapakinggan mo sa Spotify
- piliin kung ipapakita ang mga kamakailan mong na-play na artist sa public profile mo
Sa setting ng 'Explicit na Content' makokontrol mo kung mape-play sa Spotify account mo ang explicit na content.
- Cookies Policy: Impormasyon tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies at paano i-manage ang cookie preferences mo. Ang cookies ay mga file na sine-save sa phone, tablet o computer mo kapag may pinupuntahan kang website.
2. Mga karapatan at control mo sa personal na data
Maraming batas sa privacy ang nagbibigay ng mga karapatan sa mga tao sa personal na data nila. Kasama sa mga batas na ito ang General Data Protection Regulation, o 'GDPR'.
Nalalapat lang ang ilang karapatan kapag gumagamit ang Spotify ng partikular na 'legal basis' para iproseso ang data mo. Ipinapaliwanag namin ang bawat legal basis, at kung kailan ginagamit ng Spotify ang bawat isa, sa Section 4 'Para saan namin ginagamit ang personal na data mo'.
Ipinapaliwanag ng table sa ibaba:
- ang mga karapatan mo
- ang mga sitwasyon kung kailan nalalapat ang mga ito (gaya ng required na legal basis)
- paano gamitin ang mga ito
Karapatan mong...
|
Paano?
|
|
---|---|---|
Maging informed |
Maging informed tungkol sa personal na data na ipinoproseso namin tungkol sa'yo at kung paano namin 'to ipinoproseso. |
Ini-inform ka namin:
|
Mag-access |
Mag-request ng access sa personal na data na ipinoproseso namin tungkol sa'yo. |
Para mag-request sa Spotify ng kopya ng personal na data mo, alinman sa:
Kapag dinownload mo ang data mo matatanggap mo ang impormasyon tungkol sa data mo na kailangang ibigay ng Spotify sa ilalim ng Article 15 ng GDPR. Kung gusto mo pa ng impormasyon tungkol sa kung paano namin ipinoproseso ang personal mong data, pwede mong kontakin kami. |
Magtama |
Mag-request na baguhin o i-update namin ang personal mong data kapag inaccurate o kulang ito. |
Pwede mong i-edit ang User Data mo sa ‘I-edit ang profile’ sa account mo o sa pamamagitan ng pag-contact sa'min. |
Magbura |
I-request na magbura kami ng ilan sa personal mong data. Halimbawa, pwede mong ipabura sa'min ang personal na data:
May mga sitwasyon kung kailan hindi ma-delete ng Spotify ang data mo, halimbawa kapag:
|
Maraming paraan para makapagbura ka ng personal na data sa Spotify:
|
Maghigpit |
Mag-request na ihinto namin ang pagpoproseso ng lahat o ilan sa personal mong data. Magagawa mo ito kung:
Pwede mong i-request na ihinto namin ang pagpoprosesong ito nang pansamantala o permanente. |
Pwede mong gamitin ang karapatan mong maghigpit sa pamamagitan ng pag-contact sa'min. |
Tumutol |
Tumutol sa pagpoproseso namin ng personal mong data. Magagawa mo ito kung:
|
Para gamitin ang karapatan mong tumutol, pwede kang:
|
Maging portable ang data |
Mag-request ng kopya ng personal mong data sa electronic na format at may karapatan kang i-transmit ang personal na data na 'yon para magamit sa service ng iba pang party. Pwede mong i-request sa'min na i-transmit ang data mo kapag ipinoproseso namin ang personal mong data sa legal basis ng pagpayag o pagsasakatuparan ng kontrata. Gayunpaman, susubukan ng Spotify na tuparin ang lahat ng request hangga't posible. |
Para sa impormasyon tungkol sa kung paano gamitin ang karapatan sa portability, tingnan ang ‘Mag-access’ sa itaas. |
Hindi mapailalim sa automated na pagdedesisyon |
Hindi mapailalim sa desisyong base lang sa automated na pagdedesisyon (mga desisyong walang kasamang tao), kasama ang profiling, kung saan ang desisyon ay may legal na epekto sa'yo o may kasing-bigat na epekto. |
Ang Spotify ay hindi nagsasagawa ng ganitong uri ng automated na pagdedesisyon sa Spotify Service. |
Bawiin ang pagpayag |
Bawiin ang pagpayag mong kunin o gamitin namin ang personal mong data. Magagawa mo ito kung ipinoproseso ng Spotify ang personal mong data sa legal basis ng pagpayag mo. |
Para bawiin ang pagpayag mo, pwede mong:
|
Karapatang magreklamo |
Kontakin ang Swedish Authority for Privacy Protection o ang lokal na data protection authority sa inyo tungkol sa kahit anong tanong o alalahanin. |
Makikita mo ang mga detalye ng Swedish Authority dito. Pwede ka ring pumunta sa website ng lokal na data protection authority sa inyo. |
Mga kontrol sa tailored na advertising
Ano ang tailored na advertising?
- Ito ay kapag gumamit kami ng impormasyon tungkol sa'yo para ibagay ang mga ad para maging mas makabuluhan sa'yo. Tinatawag din itong interest based advertising.
- Halimbawa ng tailored na advertising ang kapag may advertising partner na may impormasyong nagpapahiwatig na mahilig ka sa kotse. Dahil dito ay makakapagpakita kami sa'yo ng mga ad tungkol sa mga kotse.
Paano kontrolin ang tailored na advertising:
- Pwede mong kontrolin ang tailored na advertising sa Account Privacy page mo sa ilalim ng 'Mga Tailored na Ad'.
- Makokontrol mo rin ang tailored na advertising para sa ilang podcast gamit ang link sa show description ng episode. Nalalapat ito kung saan naglalagay ng advertising ang content provider sa podcast para pondohan ito. Ima-manage ng hosting provider, na posibleng hindi Spotify, ang mga kontrol na ito para sa podcast.
Kung 'naka-opt out' ka sa Mga Tailored na Ad sa Account Privacy page, pwede ka pa ring makakuha ng advertising. Pwedeng makakuha nito sa free Service Option namin, pati na rin sa paid Service Option namin, kung naaangkop (halimbawa, advertising sa mga podcast). Ang ganitong uri ng advertising ay nakabase sa impormasyon mo sa registration at sa pinapakinggan mo ngayon sa mga service namin. Halimbawa, kung nakikinig ka ng cooking podcast, baka makarinig ka ng ad para sa food processor.
3. Personal na data na kinukuha namin tungkol sa'yo
Inilalatag ng mga table na ito ang mga category ng personal na data na kinukuha namin.
Kinukuha kapag nag-sign up ka sa Spotify Service
o kapag in-update mo ang account mo
|
|
---|---|
Category |
Description |
User Data |
Personal na data na kailangan namin para gawin ang Spotify account mo at nag-e-enable sa'yong gamitin ang Spotify Service. Ang uri ng data na kinukuha at ginagamit ay depende sa uri ng Service Option na mayroon ka. Depende rin ito sa kung paano mo gagawin ang account mo, sa bansa kung nasaan ka, at kung gumagamit ka ng mga third party na service para mag-sign in. Posibleng kasama rito ang iyong:
Natatanggap namin ang ilan sa data na ito galing sa'yo hal. galing sa sign up form o account page. Kinukuha rin namin sa device mo ang ilan sa data na ito hal. ang bansa o region. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung paano namin kinukuha at ginagamit ang data na ito, tingnan ang ‘General (hindi precise) na location mo’ sa category ng Usage Data. |
Street Address Data |
Posible naming hingin at iproseso ang street address mo sa mga sumusunod na dahilan:
Minsan, pwede kaming gumamit ng third party na application para makatulong na i-verify ang address mo, gaya ng Google Maps. |
Kinukuha kapag ginagamit mo ang Spotify Service | |
---|---|
Mga Category |
Description |
Usage Data |
Personal na data na kinukuha at ipinoproseso tungkol sa'yo kapag ina-access o ginagamit mo ang Spotify Service. May ilang uri ng impormasyong kasama rito, na nakalista sa mga sumusunod na section. Impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang Spotify Kasama sa mga halimbawa ang:
Technical data mo Kasama sa mga halimbawa ang:
General (hindi precise) na location mo Kasama sa general na location mo ang bansa, region o state. Posible namin itong malaman sa technical data (hal. IP address mo, language setting ng device mo) o currency ng bayad. Kailangan namin ito para:
Device sensor data mo Device sensor data na motion-generated o orientation-generated kung kailangan para maibigay ang mga feature ng Spotify Service na nire-require ang data na ito. Ito ang data na kinukuha ng device mo tungkol sa kung paano mo ginagalaw o hinahawakan ang device mo. |
Dagdag na data na pwede mong piliing ibigay sa'min
|
|
---|---|
Mga Category |
Description |
Voice Data |
Kung may voice features sa market mo at kung saan mo piniling gumamit ng voice feature, kumukuha at nagpoproseso kami ng voice data. Tumutukoy ang voice data sa mga audio recording ng boses mo at mga transcript ng mga recording na 'yon. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang iba't ibang voice feature, at kung paano mo makokontrol at mao-off ang mga ito, tingnan ang Voice Control Policy namin. |
Data ng Pagbabayad at Pagbili |
Kung may bibilhin ka sa Spotify o magsa-sign up ka sa trial para sa may bayad na Service Option o trial, kakailanganin naming iproseso ang data ng pagbabayad mo. Mag-iiba-iba ang eksaktong personal na data na kukunin at gagamitin depende sa paraan ng pagbabayad. Kasama rito ang impormasyon gaya ng:
|
Survey at Research Data |
Kapag may sinagutan kang survey o sumali ka sa user research, kukunin at gagamitin namin ang personal na data na ibibigay mo. |
Natatanggap namin ang ilan sa data na binabanggit sa itaas mula sa mga third party. Dine-describe ng table sa ibaba ang mga category ng mga third party na 'yon.
Mga third party na source na pinagkukunan namin ng data mo | ||
---|---|---|
Mga category ng mga third party |
Description |
Mga category ng data |
Mga authentication partner |
Kung magpapa-register ka o magla-log in ka sa Spotify Service gamit ang iba pang service, ipapadala ng service na 'yon ang impormasyon mo sa amin. Nakakatulong ang impormasyong ito na gawin ang account mo sa'min. |
User Data |
Mga third party na application, service at device kung saan mo ikinokonekta ang Spotify account mo |
Kung ikokonekta mo ang Spotify account mo sa isang third party na application, service o device, pwede kaming kumuha at gumamit ng impormasyon galing sa kanila. Kinukuha ito para maging posible ang integration. Pwedeng kasama sa mga third party na app, service o device na ito ang:
Hihingin namin ang pahintulot mo bago namin kunin ang impormasyon mo mula sa ilang third party. |
User Data Usage Data |
Mga technical service partner |
Nakikipagtulungan kami sa mga technical service partner na nagbibigay sa amin ng ilang data. Kasama rito ang pagma-map ng mga IP address sa hindi precise na location data (hal., bansa o region, city, state). Ginagawa nitong posible para sa Spotify na ibigay ang Spotify Service, content, at features. Nakikipagtulungan din kami sa mga security service provider na tumutulong sa amin para protektahan ang mga user account. |
User Data Usage Data |
Mga Payment partner at Merchant |
Kung pipiliin mong magbayad gamit ang mga third party (hal. mga telco carrier) o gamit ang invoice, pwede kaming kumuha ng data na galing sa mga payment partner namin. Sa tulong nito ay magagawa naming:
Kung ididirekta ka namin sa isang merchant, nakakatanggap kami ng data galing sa merchant na may kinalaman sa binili mo. Halimbawa, pwede ka naming idirekta sa merchandise store ng isang artist sa isang third party na platform o sa isang third party na ticketing website. Sa pagtanggap ng data na ito nagagawa naming:
|
Data ng Pagbabayad at Pagbili |
Mga advertising at marketing partner |
Nakakatanggap kami ng mga pagpapalagay mula sa ilang advertising o marketing partner. Ang mga pagpapalagay na ito ang mga pagkakaintindi ng mga partner sa mga interes at gusto mo. Nakakapagbigay kami ng mga ad at marketing na mas may kabuluhan dahil dito. |
Usage Data |
Mga nakuhang company |
Pwede naming matanggap ang data tungkol sa'yo galing sa mga kumpanyang nakuha namin. Ito ay para pagandahin ang mga service, produkto, at alok namin. |
User Data Usage Data |
Kung ida-download mo ang Spotify mobile app at susubukan mo ang Spotify gamit ang logged out user experience, kukuha kami ng limitadong imporasyon tungkol sa paggamit mo ng Spotify Service, kasama ang Usage Data. Ginagawa namin ito para maintindihan kung paano mo ina-access at ginagamit ang Service. Ginagawa rin namin ito para masiguradong napapa-experience namin sa'yo ang tama para sa'yo, base halimbawa sa bansa o region mo. Kung magdedesisyon kang gumawa ng Spotify account para ma-experience nang buo ang service namin, isasama namin ang data na ito sa data ng Spotify account mo.
4. Para saan namin ginagamit ang personal na data mo
Inilalatag ng table sa ibaba:
- kung para saan namin ipinoproseso ang personal na data mo
- ang mga legal na katuwiran namin (tinatawag na 'legal basis' ang bawat isa) sa ilalim ng data protection law, para sa bawat layunin
- mga category ng personal na data na ginagamit namin para sa bawat layunin. Magbasa pa tungkol sa mga category na ito sa Section 3 'Personal na data na kinukuha namin tungkol sa'yo'
Ito ang isang pangkalahatang paliwanag ng bawat 'legal basis' para matulungan kang maintindihan ang table:
- Pagsasakatuparan ng Kontrata: Kapag kailangan ng Spotify (o ng isang third party) na iproseso ang personal mong data para:
- sumunod sa mga obligasyon sa ilalim ng isang kontrata nila sa'yo. Kasama rito ang mga obligasyon ng Spotify sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ibigay sa'yo ang Spotify Service, o
- mag-verify ng impormasyon bago magsimula ang isang kontrata sa'yo.
- Lehitimong Interes: Kapag may interes ang Spotify o isang third party na gamitin ang personal mong data sa isang partikular na paraan, na kailangan at makatuwiran kung isasaalang-alang ang lahat ng posibleng panganib sa'yo at iba pang Spotify user. Halimbawa, ang paggamit ng Usage Data mo para pagandahin ang Spotify Service para sa lahat ng user. Kontakin kami kung may katuwiran kang gustong maintindihan.
- Pagpayag: Kapag hiningi sa'yo ng Spotify na aktibong isaad ang pagsang-ayon mong gamitin ng Spotify ang personal mong data para sa partikular na layunin.
- Pagsunod sa Mga Legal na Obligasyon: Kapag kailangang iproseso ng Spotify ang personal mong data para makasunod sa isang batas.
Para saan ipinoproseso ang data mo
|
Legal basis na nagpapahintulot sa layunin | Mga category ng personal na data na ginagamit para sa layunin |
---|---|---|
Para maibigay ang Spotify Service alinsunod sa kontrata namin sa'yo. Halimbawa, kapag ginamit namin ang personal na data mo para:
|
Pagsasakatuparan ng Kontrata |
|
Para ibigay ang iba pang parte ng Spotify Service. Halimbawa, kapag ginamit namin ang personal na data mo para makapag-share ka ng link sa Spotify content sa ibang tao. |
Lehitimong Interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang:
|
|
Para ibigay ang ilang dagdag na voluntary na feature ng Spotify Service. Kapag ganito ang sitwasyon, malinaw naming hihingin ang pagpayag mo. |
Pagpayag |
|
Para ma-diagnose, ma-troubleshoot, at maayos ang mga issue sa Spotify Service. |
Pagsasakatuparan ng Kontrata |
|
Para pag-aralan at i-develop ang mga bagong feature, technology, at mga mapapaganda pa sa Spotify Service. Halimbawa:
|
Lehitimong Interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang mag-develop at magpaganda ng mga produkto at feature para sa mga user namin. |
|
Para sa marketing o advertising kung saan nire-require sa'min ng batas na hingin ang pagpayag mo. Halimbawa, kapag gumagamit kami ng cookies para maintindihan ang interes mo o nire-require ng batas ang pagpayag sa email marketing. |
Pagpayag |
|
Para sa iba pang layunin ng marketing, promotion at advertising kung saan hindi required sa batas ang pagpayag. Halimbawa, kapag ginagamit namin ang personal mong data para ibagay sa mga interes mo ang advertising. |
Lehitimong Interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang gumamit ng advertising para pondohan ang Spotify Service, para maialok namin ang karamihan dito nang libre. |
|
Para sumunod sa isang legal na obligasyong sumasaklaw sa amin. Ito ay pwedeng:
Halimbawa, kapag ginamit ang date of birth mo kapag required para i-verify ang edad. |
Pagsunod sa mga legal na obligasyon |
|
Para sumunod sa ipinapagawa ng law enforcement, mga korte, o iba pang authority na nakasaklaw sa amin. |
Sumunod sa mga legal na obligasyon at lehitimong interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang tulungan ang mga law enforcement authority para iwasan o malaman ang mabigat na krimen. |
|
Para tuparin ang mga obligasyon sa kontrata sa mga third party. Halimbawa, kapag ibinigay namin ang pseudonymised na data tungkol sa pinapakinggan ng mga user namin dahil may kasunduan kami ng rightsholder ng Spotify na gawin 'to. |
Lehitimong interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang:
|
|
Para aksyunan nang naaangkop ang mga report ng paglabag sa intellectual property at hindi naaangkop na content. |
Lehitimong interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang protektahan ang intellectual property at original na content. |
|
Para maglatag, magpairal, o magdepensa ng mga legal claim. Halimbawa, kung kasali kami sa litigation at kailangan naming magbigay ng impormasyon sa mga abogado namin kaugnay ng legal na kasong 'yon. |
Lehitimong interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang:
|
|
Para magplano, mag-report, at mag-forecast sa negosyo. Halimbawa, kapag tiningnan namin ang aggregated user data tulad ng bilang ng mga bagong nag-sign up sa isang bansa para makapagplano ng mga bagong location kung saan ilo-launch ang mga product at feature namin. |
Lehitimong Interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang mag-research at magplano para patuloy naming mapatakbo nang maayos ang business namin. |
|
Para iproseso ang bayad mo. Halimbawa, kapag ginamit namin ang personal na data mo para makabili ka ng Spotify subscription. |
Pagsasakatuparan ng Kontrata, at pagpayag |
|
Para gawing secure pa rin ang Spotify Service at para ma-detect at maiwasan ang fraud. Halimbawa, kapag in-analyze namin ang Usage Data para tingnan kung may fraudulent na paggamit ng Spotify Service. |
Lehitimong Interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang protektahan ang Spotify Service at mga user namin laban sa fraud at iba pang ilegal na activity. |
|
Para mag-research at magpa-survey. Halimbawa, kapag kinontak namin ang mga user namin para hingin ang feedback mo. |
Lehitimong Interes Kasama sa mga lehitimong interes namin dito ang maintindihan pa ang palagay ng mga user sa Spotify Service at kung paano nila ito ginagamit. |
|
Sa mga jurisdiction kung saan hindi kinikilala bilang legal basis ang lehitimong interes, umaasa kami sa pangkontratang pangangailangan o pagpayag.
5. Pag-share ng personal na data mo
Inilalatag ng section na ito kung sino ang makakatanggap ng personal na data kinukuha o gine-generate kapag ginagamit mo ang Spotify Service.
Impormasyong available sa public
Palaging magiging available sa public ang sumusunod na personal na data sa Spotify Service (maliban sa mga user na binlock mo):
- ang profile name mo
- ang profile photo mo
- mga public playlist mo
- iba pang content na pino-post mo sa Spotify Service, at lahat ng nauugnay na pamagat, description at image
- kung sino'ng fina-follow mo sa Spotify Service
- kung sino'ng nagfa-follow sa'yo sa Spotify Service
Ikaw o ang iba pang user ay pwedeng mag-share ng impormasyon sa mga third party na service, gaya ng social media o mga messaging platform. Kasama rito ang:
- profile mo
- lahat ng content na pino-post mo sa Spotify at ang mga detalye tungkol sa content na 'yon
- ang mga playlist mo at iba pang nauugnay na pamagat, description at image
Kapag nangyari ang pag-share na ito, ang third party na service ay pwedeng mag-store ng kopya nito para ma-support ang mga feature nila.
Personal na data na pwede mong piliing i-share
Ishe-share lang namin ang sumusunod na personal na data sa mga naka-outline sa table sa ibaba:
- kung saan mo piniling gumamit ng Spotify Service feature, o ng third party na application, service o device, at kapag kailangan naming i-share ang personal na data para ma-enable ito, o
- kung ibibigay mo sa'min ang pahintulot mong i-share ang personal na data. Halimbawa, magagawa mo ito kapag pinili mo ang naaangkop na setting sa Spotify Service o kapag pumayag ka
Mga category ng recipient | Mga category ng data na pwede mong piliing i-share |
Dahilan ng pag-share
|
---|---|---|
Mga third party na application, service at device kung saan mo ikinokonekta ang Spotify Account mo |
|
Para ikonekta ang Spotify account mo, o magamit mo ang Spotify Service kaugnay ng mga third party na application, service o device. Kasama sa mga halimbawa ng mga nasabing third party na application, service at device ang:
Marami kang makikita at maaalis na third party na connection sa ‘Mga App’ sa account mo. |
Support community |
|
Para maipagamit sa'yo ang Spotify Support Community service. Kapag nagpa-register ka ng account sa Spotify Support Community, magpapagawa kami sa'yo ng profile name. Public itong ipapakita sa kahit sinong gagamit sa Spotify Support Community. Ipapakita rin namin ang lahat ng tanong o comment na ipo-post mo. |
Iba pang Spotify user |
|
Para mag-share ng impormasyon sa iba pang Spotify user tungkol sa paggamit mo ng Spotify Service. Pwedeng kasama rito ang mga follower mo sa Spotify. Halimbawa, sa ‘Social’ settings mapipili mong i-share ang mga kamakailan mong na-play na artist at mga playlist mo sa profile mo. Mapipili mo ring gumawa ng o sumali sa isang shared playlist kasama ang iba pang user. Nagbibigay sa inyo ng mga social recommendation ang mga shared playlist base sa pinapakinggan n'yo. |
Mga artist at record label |
|
Para makatanggap ng balita o mga promotional na alok galing sa mga artist, record label o iba pang partner. Pwede mong piliing i-share ang User Data mo para dito. Pwede mo pa ring baguhin ang isip mo at bawiin ang pagpayag mo kahit kailan. |
Impormasyong pwede naming i-share
Tingnan ang table na ito para sa mga detalye tungkol sa kung kanino kami nagshe-share at bakit.
Mga category ng recipient | Mga category ng data | Dahilan ng pag-share |
---|---|---|
Mga service provider |
|
Para maibigay nila ang mga service nila sa Spotify. Kasama sa mga service provider na ito ang mga hina-hire namin para:
|
Mga payment partner |
|
Para maiproseso nila ang mga bayad mo, at para malabanan ang fraud. |
Mga advertising partner |
|
Para matulungan nila kaming magbigay ng advertising na mas makabuluhan sa'yo sa Spotify Service, at matulungan nila kaming sukatin kung gaano kabisa ang mga ad. Halimbawa, tumutulong sa'min ang mga ad partner namin na makapagbigay ng tailored na advertising. |
Mga Marketing Partner |
|
Para i-promote ang Spotify sa mga partner namin. Nagshe-share kami ng ilang User Data at Usage Data sa mga partner na ito kung saan kailangan para:
Kasama sa mga halimbawa ng partner ang:
Pwede ring isama ng mga partner namin ang personal na data na shine-share namin sa kanila sa iba pang data na nakukuha nila tungkol sa'yo, hal. ang paggamit mo sa mga service nila. Pwede naming gamitin ng mga partner namin ang impormasyong ito para pakitaan ka ng mga alok, promotion, o iba pang marketing na sa tingin namin ay makabuluhan sa'yo. |
Mga Hosting Platform |
|
Ang mga hosting platform ay nagho-host ng mga podcast para maibigay nila sa'yo ang mga ito. Nagshe-share kami ng data, gaya ng IP address mo, sa mga hosting platform kapag nagpe-play ka ng podcast. Pinapayagan ka rin naming mag-stream ng mga podcast na available sa iba pang hosting platform na hindi pagmamay-ari ng Spotify. Dapat ipaliwanag ng mga podcast provider sa palabas o episode description kung aling platform ang nagho-host sa podcast. Tingnan ang sariling privacy policy ng hosting platform kung paano nila ginagamit ang data na shine-share sa kanila. |
Mga academic researcher |
|
Para sa mga activity gaya ng statistical analysis at academic na pag-aaral, pero sa format lang na gumagamit ng pseudonym. Sa pseudonymized na data, matutukoy ang data mo gamit ang isang code imbis na sa pangalan mo o iba pang impormasyong direktang makakapagpakilala sa'yo. |
Iba pang Spotify group company, kasama ang mga company na kukunin ng Spotify |
|
Para maisagawa ang mga pang-araw-araw naming business operation at para mapangalagaan, mapaganda at maibigay namin sa'yo ang Spotify Service at mga service ng mga nakuhang company. Halimbawa:
|
Law enforcement at iba pang authority, o iba pang party sa litigation |
|
Kapag naniniwala kami nang may mabuting hangarin na kailangan namin itong gawin, halimbawa:
|
Mga bibili ng negosyo namin |
|
Kung ibebenta namin o makikipagnegosasyon kaming ibenta ang negosyo namin sa isang buyer o posibleng buyer. Sa kasong ito, pwede naming ilipat ang personal mong data sa isang successor o affiliate bilang parte ng transaction. |
6. Retention ng data
Pinapanatili lang namin ang personal mong data hangga't kailangan para maibigay sa'yo ang Spotify Service at para sa mga lehitimo at mahalagang layuning pangnegosyo ng Spotify, gaya ng:
- pangangalaga sa performance ng Spotify Service
- pagdedesisyon sa negosyo tungkol sa mga bagong feature at alok nang nakabase sa data
- pagsunod sa mga legal naming obligasyon
- pag-resolve sa mga dispute
Nandito ang ilan sa mga category ng kung gaano katagal ang retention namin, at ang criteria na ginagamit namin para tukuyin ang mga 'to:
- Data na mare-retain hanggang alisin mo
Karapatan mong i-request na i-delete namin ang ilan sa personal na data mo. Tingnan ang section sa 'Magbura' sa Section 2 na 'Mga karapatan at kontrol mo sa personal na data' para sa iba pang impormasyon, at ang mga sitwasyon kung saan maisasagawa namin ang request mo.
Pwede mo ring i-delete ang ilang personal na data nang direkta sa Spotify Service: halimbawa, pwede mong i-edit o i-delete ang profile picture mo. Kung saan nakikita at naa-update mismo ng mga user ang personal na data, pinapanatili namin ang impormasyon hangga't gusto ng user maliban na lang kung nalalapat ang isa sa mga limited na layunin na dine-describe sa ibaba. - Data na mag-e-expire pagkatapos ng partikular na panahon
Sinet namin kung gaano katagal ang mga retention para mag-expire ang ilang data pagkatapos ng partikular na panahon. Halimbawa, ang personal na data na posibleng i-input mo bilang bahagi ng mga query sa paghahanap ay dine-delete pagkalipas ng 90 araw sa pangkahalatan. - Data na mare-retain hanggang ma-delete ang Spotify account mo
Nagtatabi kami ng ilang data hanggang sa ma-delete ang Spotify account mo. Kasama sa mga halimbawa nito ang username at impormasyon ng profile mo sa Spotify. Karaniwan din naming pinapanatili ang streaming history hangga't aktibo ang account, halimbawa, para makapagbigay ng mga retrospective na playlist na nae-enjoy ng mga user at mga personalized na rekomendasyon na nakabatay sa listening habits (halimbawa, Time Capsule Mo o Summer Rewind Mo). Kapag na-delete ang Spotify account mo, made-delete o made-deidentify ang category ng data na ito. - Data na nire-retain nang mas matagal na panahon para sa limited na mga layunin
Pagkatapos i-delete ang account mo, may ilang data na mas matagal bago namin alisin pero para ito sa talagang limited na mga layunin. Halimbawa, posibleng mapailalim kami sa mga legal na obligasyon o obligasyon sa kontrata na nagre-require nito. Posibleng kasama rito ang mga mandatory na batas sa retention ng data, mga government order na nauugnay sa pagpreserba ng data tungkol sa isang imbestigasyon, o data na pinapanatili para sa layunin ng paglilitis. Pwede rin kaming magtabi ng data na inalis na sa Spotify Service sa loob ng limited na tagal ng panahon. Pwedeng kasama rito ang:- para makatulong na siguraduhin ang kaligtasan ng user, o
- para pumrotekta laban sa nakakapanakit na content sa platform namin.
Natutulungan kami nito na makapag-imbestiga ng mga potensyal na paglabag sa aming Mga Guideline ng User at Platform Rules. Sa kabilang banda, aalisin namin ang mga labag sa batas na content kung ire-require kami ng batas na gawin ito.
7. Transfer sa ibang bansa
Dahil sa buong mundo ang negosyo namin, nagshe-share ang Spotify ng personal na data sa iba't ibang bansa sa mga company, subcontractor at partner ng Spotify group para maibigay sa'yo ang Spotify Service. Pwede nilang iproseso ang data mo sa mga bansa kung saan ang mga batas sa data protection ay hindi itinuturing na kasing-lakas ng mga batas sa EU o mga batas na nalalapat kung saan ka nakatira. Halimbawa, pwedeng hindi pareho ang ibigay nila sa'yong karapatan sa data mo.
Kapag nagta-transfer kami ng personal na data sa ibang bansa, gumagamit kami ng mga tool para:
- siguraduhing sumusunod sa naaangkop na batas ang data transfer
- makatulong na protektahan ang data mo nang kasing-ligtas ng sa EU
Para masiguradong sumusunod ang bawat data transfer sa mga nalalapat na EU legislation, ginagamit namin ang mga sumusunod na legal mechanism:
- Mga Standard Contractual Clause ('Mga SCC'). Nire-require ng mga clause na ito na protektahan ng kabilang party ang data mo at bigyan ka ng mga karapatan at proteksyong ka-level ng sa EU. Halimbawa, gumagamit kami ng mga SCC para i-transfer ang personal na data na dine-describe sa Section 3 na 'Personal na data na kinukuha namin tungkol sa'yo' sa hosting provider namin na gumagamit ng mga server sa US. Pwede mong gamitin ang mga karapatan mo sa ilalim ng Mga Standard Contractual Clause sa pagkontak sa'mino sa third party na nagpoproseso ng personal na data mo.
- Mga Adequacy Decision. Ibig sabihin nito ay nagta-transfer kami ng personal na data sa mga bansa sa labas ng European Economic Area na sapat ang mga batas para protektahan ang personal na data, ayon sa pagkakatukoy ng European Commission. Halimbawa, tina-transfer namin ang personal na data na dine-describe sa Section 3 'Personal na data na kinukuha namin tungkol sa'yo' sa mga vendor na nasa United Kingdom, Canada, Japan, Republic of Korea at Switzerland.
Tumutukoy at gumagamit din kami ng mga dagdag na proteksyong naaangkop para sa bawat data transfer. Halimbawa, gumagamit kami ng:
- mga technical na proteksyon, gaya ng encryption at pseudonymization
- mga policy at prosesong hahamon sa mga hindi makatarungan o labag sa batas na ipinapagawa ng government authority
8. Pag-iingat sa personal na data mo
Naninindigan kaming protektahan ang personal na data ng mga user namin. Nagpapatupad kami ng mga naaangkop na technical at organizational na hakbang para makatulong na protektahan ang security ng personal na data mo. Sa kabila nito, tandaang walang system na tunay na secure nang buong buo.
Nagpatupad kami ng iba't ibang pag-iingat laban sa unauthorized na access at hindi kinakailangang retention ng personal na data sa mga system namin. Kasama rito ang mga pseudonymization, encryption, access, at retention policy.
Para protektahan ang user account mo, hinihikayat ka naming:
- gumamit ng mahirap hulaan na password na ginagamit mo lang sa Spotify account mo
- huwag i-share ang password mo kahit kanino kahit kailan
- limitahan ang access sa computer at browser mo
- mag-log out kapag tapos mo nang gamitin ang Spotify Service sa device na hindi lang ikaw ang gumagamit
- magbasa pa ng detalye tungkol sa pagprotekta sa account mo
Pwede kang mag-log out sa Spotify sa maraming lugar nang sabay-sabay gamit ang function na 'Mag-sign out sa lahat' sa account page mo.
Kung may iba pang taong may access sa Spotify account mo, maa-access nila ang personal na data, mga control at ang Spotify Service na available sa account mo. Halimbawa, posibleng may pinayagan kang gamitin ang account mo sa device na hindi lang ikaw ang gumagamit.
Responsibilidad mong payagan lang ang mga taong gamitin ang account mo kapag kumportable kang i-share ang personal na data na ito sa kanila. Ang paggamit ng kahit sino pang tao sa Spotify account mo ay baka makaapekto sa mga personalized na rekomendasyon sa'yo at maisama sa pag-download mo ng data.
9. Mga Bata
Note: Hindi nalalapat sa Spotify Kids ang Policy na ito maliban kung sabihin ng Privacy Policy ng Spotify Kids. Hiwalay na Spotify application ang Spotify Kids.
Ang Spotify Service ay may minimum na 'Age Limit' sa bawat bansa o region. Ang Spotify Service ay hindi para sa mga batang ang edad ay:
- wala pang 13 taon, o
- dahilan para maging ilegal na iproseso ang personal nilang data, o
- nagre-require ng pagpayag ng magulang na iproseso ang personal nilang data
Hindi namin sasadyaing kumuha o gumamit ng personal na data galing sa mga batang wala pa sa naaangkop na Age Limit. Kung wala ka pa sa Age Limit, huwag gamitin ang Spotify Service, at huwag kaming bigyan ng kahit anong personal na data. Inirerekomenda naming gumamit na lang ng Spotify Kids account.
Kung magulang ka ng batang wala pa sa Age Limit at malalaman mong nagbigay ng personal na data sa Spotify ang anak mo, kontakin kami.
Kung malalaman naming nakuha namin ang personal na data ng isang batang wala pa sa naaangkop na Age Limit, makatuwiran kaming kikilos para i-delete ang personal na data. Posibleng required sa'ming i-delete ang Spotify account ng batang 'yon dahil dito.
Kapag gumagamit ng device na hindi lang ikaw ang gumagamit sa main na Spotify Service, dapat kang mag-ingat na mag-play o magrekomenda ng kahit anong hindi naaangkop na content sa mga taong wala pang 18 taon.
10. Mga Pagbabago sa Policy na ito
Pwede naming baguhin ang Policy na ito paminsan-minsan.
Kapag may mga malaki kaming binago sa Policy na ito, bibigyan ka namin ng madaling makita na notice na naaangkop sa sitwasyon. Halimbawa, pwede kaming magpakita ng madaling makita na notice sa loob ng Spotify Service o magpadala sa'yo ng email o device notification.
11. Paano kami kontakin
Para sa kahit anong tanong o alalahanin tungkol sa Policy na ito, kontakin ang Data Protection Officer namin sa kahit alin sa mga paraang ito:
- email privacy@spotify.com
- sumulat sa'min sa: Spotify AB, Regeringsgatan 19, 111 53 Stockholm, Sweden
Spotify AB ang data controller ng personal na data na ipinoproseso sa ilalim ng Policy na ito.
© Spotify AB