Mga Alituntunin ng User ng Spotify

Kamusta! Welcome sa Mga Alituntunin sa User ng Spotify ("Mga Alituntunin sa User") na nalalapat kapag ginagamit ang mga website, application at serbisyo ng Spotify na tumutukoy sa Mga Alituntunin sa User na ito (ang "Mga Serbisyo") kabilang ang kapag ina-access ang anumang uri ng materyal o content na available sa pamamagitan ng naturang Mga Serbisyo ("Content"). Idinisenyo ang Mga Alituntunin ng User na ito para matiyak na mananatiling nae-enjoy ang Mga Serbisyo para sa lahat. Bukod sa Mga Alituntunin sa User na ito, dapat sumunod ang content sa Mga Panuntunan ng Platform ng Spotify ("Mga Panuntunan ng Platform").

Puwede naming i-update ang Mga Alituntunin sa User na ito at ang Mga Panuntunan ng Platform nang pana-panahon - makikita mo ang pinakabagong bersyon sa aming website.

Kapag lumabag sa Mga Alituntunin sa User at Mga Panuntunan ng Platform, puwedeng magdulot ng pagkaalis ng anumang content o materyal na naiambag mo sa Mga Serbisyo at/o pagwawakas o pagsuspinde ng iyong account. Sinusubukan naming gawing available para sa malawak na hanay ng mga tao ang Mga Serbisyo, pero hindi mo magagamit ang aming Mga Serbisyo kung dati na naming winakasan ang iyong account sa alinman sa aming Mga Serbisyo. Ipinagbabawal din namin ang mga pagtatangkang lusutan ang mga naunang pagpapairal ng parusa, kabilang ang paggawa ng mga bagong account.

Hindi pinapayagan ang mga sumusunod para sa anumang dahilan pagdating sa Mga Serbisyo at materyal o content na ginawang available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, o anumang bahagi nito:

  1. pag-reverse engineer, pag-decompile, pag-disassemble, pagbabago, o paggawa ng mga hinangong gawa, maliban na lang kung ang naturang paghihigpit ay hayagang ipinagbabawal ng naaangkop na batas. Kung pinapayagan ka ng naaangkop na batas na i-decompile ang anumang bahagi ng Mga Serbisyo o Content kapag kinakailangan para makuha ang kinakailangang impormasyon para gumawa ng hiwalay na program na puwedeng patakbuhin sa Mga Serbisyo o sa isa pang program, ang impormasyong nakuha mo mula sa naturang mga aktibidad ay (a) puwede lang gamitin para sa nabanggit na layunin, (b) hindi puwedeng ibahagi o ipaalam nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Spotify sa anumang third party na hindi kinakailangang pagbahagian o pagsabihan para makamit ang naturang layunin, at (c) hindi puwedeng gamitin para gumawa ng anumang software o serbisyong katulad na katulad sa pagpapahayag nito sa anumang bahagi ng Mga Serbisyo o Content;
  2. pagkopya, pag-reproduce, pag-redistribute, "pag-rip," pag-record, pag-transfer, pag-perform, pag-frame, pag-link o pagpapakita sa publiko, pag-broadcast, o pagsasagawang available sa publiko, o anumang iba pang paggamit na hindi hayagang pinapayagan sa ilalim ng Mga Kasunduan o ng naaangkop na batas, o kaya ay lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari;
  3. pag-import o pagkopya sa anumang lokal na file na wala kang legal na karapatang i-import o kopyahin sa paraang ito;
  4. paglipat ng mga kopya ng naka-cache na Content mula sa awtorisadong Device patungo sa anupamang Device sa pamamagitan ng anumang paraan;
  5. "pag-crawl" o "pag-scrape", nang manual o sa naka-automate na paraan, o paggamit ng anumang naka-automate na paraan (kabilang ang mga bot, scraper, at spider), para tingnan, i-access o kolektahin ang impormasyon, o gamitin ang anumang bahagi ng Mga Serbisyo o Content para sanayin ang machine learning o AI na modelo o pagpasok ng Content ng Spotify sa isang machine learning o AI na modelo;
  6. pagbebenta, pagpaparenta, pag-sublicense, pagpapaupa, o iba pang paraan ng pagkita maliban kapag hayagang pinapayagan sa ilalim ng Mga Kasunduan;
  7. pagbebenta ng account o playlist ng user, o pagtanggap o pag-alok na tanggapin ang anumang kompensasyon, pinansyal o iba pa, para impluwensyahan ang pangalan ng account o playlist o ang content na nasa isang account o playlist; o
  8. artipisyal na pagpaparami ng bilang ng pag-play o pagsubaybay, artipisyal na pag-promote ng Content, o iba pang manipulasyon kabilang ang (i) paggamit ng anumang bot, script, o iba pang automated na proseso; (ii) pagbibigay o pagtanggap ng anumang uri ng kompensasyon (pinansyal o iba pa), o (iii) anupamang paraan;
  9. paglusot sa anumang teknolohiyang ginagamit ng Spotify, mga tagapaglisensya nito, o ng anumang third party, kabilang ang anumang panteritoryo o iba pang paghihigpit sa pag-access sa content na inilalapat ng Spotify o ng mga tagapaglisensya nito;
  10. pag-iwas o pag-block sa mga advertisement o paggawa o pamamahagi ng mga tool na idinisenyo para mag-block ng mga advertisement;
  11. pag-aalis o pagbabago ng anumang copyright, trademark, o iba pang abiso ng intelektwal na pagmamay-ari (kabilang ang layuning pagtakpan o baguhin ang anumang indikasyon ng pag-aari o pinagmulan);
  12. pag-delete o pagbabago sa anumang bahagi ng Mga Serbisyo o Content maliban kapag hayagang pinapahintulutan sa ilalim ng Mga Kasunduan o, kung ang Content ay ginawang available ng ibang user, kapag may hayagang pahintulot ng naturang user; o
  13. pagbibigay ng iyong password sa sinupamang tao o paggamit ng username at password ng sinupaman.

Respetuhin ang Spotify, ang mga may-ari ng materyal at content na nasa Mga Serbisyo, at iba pang user ng Mga Serbisyo. Huwag magsagawa ng anumang aktibidad, mag-post ng anumang Content ng User, o magrehistro o gumamit ng username, na kagaya ng mga sumusunod o naglalaman ng mga materyal na may mga sumusunod:

  1. ilegal, o naglalayong magtaguyod o magsagawa ng anumang uri ng ilegal na gawain, kabilang na ang mga paglabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari, mga karapatan sa privacy, mga karapatan sa publicity, o mga karapatan sa pag-aari ng Spotify o ng isang third party, o kaya ay labag sa anumang kasunduan kung saan isa kang partido, gaya ng, bilang halimbawa at hindi limitado rito, isang eksklusibong kasunduan sa recording o kasunduan sa publishing;
  2. naglalagay ng iyong password o sadyang naglalagay ng password ng sinupamang user o sadyang naglalagay ng personal na data ng mga third party o naglalayong manghingi ng personal na data;
  3. nagbubunyag ng kumpidenysal o pinagmamay-ariang impormasyon ng isang third party o personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili na hindi dapat ma-broadcast sa mga tao sa buong mundo;
  4. naglalagay ng mapanirang content gaya ng malware, mga Trojan horse, o virus, o humahadlang sa access ng sinumang user sa Serbisyo ng Spotify;
  5. nanggagaya o nanloloko tungkol sa iyong kaugnayan sa Spotify (kabilang, halimbawa, ang paggamit ng may copyright na content ng Spotify, paggamit sa logo ng Spotify nang walang pahintulot, o kaya ay paggamit sa mga trademark ng Spotify sa isang nakakalitong paraan), sa ibang user, tao, o entity, o kaya ay sa paraang mapanlinlang, mali, mapanloko, o nakakalito;
  6. kinasasangkutan ng paglipat ng hindi gusto at maramihang pagpapadala ng mail o iba pang uri ng spam, junk mail, chain letter, o katulad nito;
  7. mga hindi awtorisadong komersyal na aktibidad o aktibidad sa sales, gaya ng advertising, promosyon, paligsahan, sweepstakes, pagsusugal, pagpapataya, o mga pyramid scheme;
  8. hindi awtorisadong pag-uugnay, pagbanggit, o kaya ay pag-promote sa mga komersyal na produkto o serbisyo, maliban kung tahasang pinahihintulutan ng Spotify;
  9. nakakasagabal o nakakaantala sa anumang paraan sa Serbisyo ng Spotify, nanghihimasok, lumalabag, o sinusubukang siyasatin, i-scan, o suriin ang mga kahinaan sa Serbisyo ng Spotify o mga computer system ng Spotify, network, mga panuntunan ng paggamit, o anumang bahagi ng seguridad ng Spotify, hakbang ng pag-authenticate o anupamang hakbang ng proteksyon na naaangkop sa Serbisyo ng Spotify, sa Content o anumang bahagi nito; o
  10. mga salungatan sa Mga Tuntunin at Kondisyon sa Paggamit ng Spotify o anumang iba pang tuntunin o patakarang nalalapat sa paggamit mo ng alinman sa Mga Serbisyo; o
  11. dati nang naalis sa alinman sa aming mga serbisyo dahil sa paglabag sa aming mga tuntunin o patakaran, gaya ng ipinagbabawal na track, episode, o palabas. Kasama rito ang content na ginawa o na-repurpose para maibalik ang dati nang inalis na Content o kaya ay maihatid ang parehong layunin nito.