Safety at Privacy Center

Privacy

Pagkolekta sa personal na data mo

Napakahalaga para sa amin na maintindihan mo kung anong personal na data ang kinukuha namin tungkol sa'yo, kung paano namin 'to kinukuha, at kung bakit kailangan 'to.

Kinukuha namin ang personal na data mo sa mga sumusunod na paraan:

  1. Kapag nag-sign up ka para sa Spotify Service o kapag inupdate mo ang account mo - kukunin namin ang ilang personal na data para gawin ang Spotify account mo para magamit mo ang Spotify Service. Kasama dito ang profile name at email address mo, gaya ng dine-describe sa iba pang detalye sa section 3 ng aming Privacy Policy.
  2. Gamit ang Spotify Service - kapag ginamit o inaccess mo ang Spotify Service, kukunin at ipoproseso namin ang personal na data tungkol sa mga ginagawa mo. Kasama dito ang mga kantang na-play mo at playlist na ginawa mo. Ito ang category ng Usage Data na nasa section 3 ng aming Privacy Policy.
  3. Personal na data na pinili mong ibigay sa amin - paminsan-minsan, posibleng magbigay ka sa amin ng dagdag na personal na data o payagan mo kaming kunin ang personal na data hal. para bigyan ka ng iba pang feature o functionality. Pwedeng kasama dito ang category ng Voice Data, Payment at Purchase Data at Survey at Research Data na nasa section 3 ng aming Privacy Policy.
  4. Personal na data na natatanggap namin galing sa mga third party na source - kung magsa-sign up ka para sa Spotify gamit ang ibang service o ikokonekta mo ang Spotify account mo sa third party na application, service o device, matatanggap namin ang data mo mula sa mga third party na 'yon. Pwede din naming matanggap ang data mo mula sa mga technical service provider, payment partner at advertising at marketing partner. Tingnan ang section 3 ng Privacy Policy para sa iba pang detalye.