Safety at Privacy Center

Platform Rules ng Spotify

Layunin ng Spotify na ipamalas ang pagkamalikhain ng tao – sa pamamagitan ng pagbibigay sa milyon-milyong creative artist ng pagkakataong pagkakitaan ang art nila at sa bilyon-bilyong fans ng pagkakataon para ma-enjoy ito at ma-inspire nito. Naniniwala kaming naaabot ang layuning ito sa platform namin sa pamamagitan ng pagtanggap ng iba't ibang anyo ng artistic expression, ideya, perspective, at boses. Ibig sabihin nito, posibleng hindi magustuhan ng iba ang ilang content sa platform namin o posibleng content ito na sinusuportahan ng Spotify.

Pero, hindi ibig sabihin nito na walang bawal sa platform namin. Bukod pa sa mga tuntuning sinang-ayunan mo na sumasaklaw sa paggamit mo ng mga service namin, makakatulong ang rules na ito na siguraduhing magiging ligtas at masaya ang lahat.

Ano ang rules?

Musician ka man, podcaster, o iba pang contributor, mahalagang malaman kung ano ang hindi pwede sa platform namin. Mga halimbawa lang ang mga nasa section sa ibaba, at hindi pa ito ang lahat.

Mapanganib na Content

Sa Spotify, may mga community kung saan gumagawa, nagpapahayag ng sarili, nakikinig, nagshe-share, natututo, at nai-inspire ang mga tao. Huwag magsulong ng karahasan, mag-udyok ng poot, mang-harass o gumawa ng kahit anong pwedeng pisikal na makapanakit o makapatay ng mga tao. Ano'ng dapat iwasan:

Content na nagsusulong o pumupuri sa matinding pisikal na pananakit sa isang tao o grupo, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • panghihikayat, pagsusulong, o pagpuri sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili (kung may kakilala kang nahihirapan o naiisip na saktan ang sarili, makikita dito ang mga paraan para makahingi ng tulong)
  • pag-uudyok o pagbabanta ng matinding pisikal na pananakit o karahasan laban sa isang partikular na target o partikular na grupo

Content na nagsusulong o sumusuporta sa terorismo o marahas na extremism kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pagpuri sa mga marahas na extremist group o mga kasapi ng mga ito
  • pagsasaayos, pagsusulong, pagbabanta, o pagpuri sa karasahan ng o para sa mga marahas na extremist group o mga kasapi ng mga ito
  • pagbibigay ng instructions o instructional materials para gumawa ng marahas na extremism
  • paghahanap ng isang tao o grupo na popondohan, gagawa ng marahas na extremism, o sasali sa mga aktibidad ng isang marahas na extremist group

Content na nangha-harass o nang-aabuso ng isang tao o partikular na grupo, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • paulit-ulit na pambabastos sa mga partikular na tao
  • paulit-ulit na pamamahiya o pananakot sa menor de edad
  • pag-share o pag-reshare ng non-consensual na intimate content, pati na rin mga bantang ipakalat o ibunyag ang ganitong content
  • pag-share, o pagbabantang i-share, o panghihikayat sa iba na i-share ang pribadong impormasyon ng isang tao, kasama ang impormasyon sa credit card o bangko, mga National Identity number, atbp.

Content na nag-uudyok ng karahasan o poot sa isang tao o grupo ng tao base sa lahi, relihiyon, gender identity o expression, kasarian, ethnicity, nationality, sexual orientation, veteran status, edad, disability o iba pang katangiang nauugnay sa systemic na discrimination o marginalization, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pagpuri, pagsuporta, o pagpapanawagan ng karahasan laban sa isang tao o grupo ng tao base sa mga katangiang nasa itaas
  • malulupit na pahayag tungkol sa isang tao o grupo base sa mga pinoprotektahang katangiang nasa itaas
  • pagsusulong o pagpuri sa mga hate group at sa mga image at/o symbol na nauugnay sa mga ito

Content na nagsusulong ng mapanganib at mali o mapanganib at mapanlinlang na impormasyong medikal na pwedeng magdulot ng panganib offline o ng direktang banta sa kalusugan ng publiko, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pagsasabi na hoax o hindi totoo ang AIDS, COVID-19, cancer o iba pang malala at nakamamatay na sakit
  • panghihikayat ng pag-inom ng bleach para magamot ang iba't ibang sakit
  • pagsusulong o pagsasabi na nakamamatay ang mga bakunang inaprubahan ng local health authorities
  • panghihikayat sa mga tao na magpahawa sa COVID-19 para maging immune dito (hal. pag-promote o pag-host ng "coronavirus parties")

Content na nagpo-promote ng ilegal na pagbebenta ng mga regulated o ilegal na produkto, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pagbebenta ng ilegal na armas o pyesa ng armas
  • pagbebenta ng droga
  • pagbebenta ng endangered species o produkto galing sa endangered species

Content na nagsusulong, naghahanap, o nagfa-facilitate ng child sexual abuse o exploitation, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • mga visual depiction ng menor de edad na may ginagawang sexual act o malalaswang depiction ng nakahubad na menor de edad
  • pagsusulong ng sexual abuse sa bata kapalit ng pera
  • panghihikayat o pagsusulong ng sexual attraction ng mga adult sa mga menor de edad
  • pagsusulong, pagturing na normal, o pagpuri sa child grooming

Mapanlinlang na Content

Para maging masaya sa Spotify, kailangang magtiwala na hindi nagpapanggap na ibang tao ang mga tao, na hindi sila masa-scam, at na walang nagmamanipula sa platform namin. Huwag gumawa ng mga mapaminsalang bagay para manlinlang ng iba. Ano'ng dapat iwasan:

Content na gumagaya ng iba para makapanlinlang, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pagkopya sa pangalan, image, at/o description ng ibang creator
  • pagpapanggap na ibang tao, brand, o organisasyon para manloko

Content na nagsusulong ng manipulated at synthetic na media bilang totoo, sa mga paraang pwedeng makapahamak, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • audio o video recording na galing sa totoo at valid na source na binago para mag-iba ang ibig sabihin o content ng original na media at ipinagpapalagay na totoo, na pwedeng magpahamak sa speaker o iba pang tao
  • audio o visual media na artificial na ginawa gamit ang technology na ipinagpapalagay na totoo, tulad ng digitally manufactured na sexual audio at video content o content na nagpaparatang na gumawa ng krimen ang isang tao kahit hindi naman

Content na sinusubukang mandaya o manggulo sa mga proseso kaugnay ng halalan, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pagbibigay ng maling pahayag tungkol sa mga hakbang sa civic process na pwedeng humadlang o pumigil sa pagsali
  • mapanlinlang na content na pino-promote para pagbantaan o pigilan ang mga botante na bumoto

Content na sinusubukang samantalahin ang Spotify community, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pag-post, pag-share, o pagbibigay ng instructions sa pag-implement ng malware o nauugnay na panlilinlang para sirain o makakuha ng unauthorized na access sa mga computer, network, system, o iba pang technology
  • phishing o nauugnay na mapanlokong pagtatangkang mangalap o kumuha ng sensitibong impormasyon
  • pag-promote ng mga investment at financial scam tulad ng scheme para yumaman kaagad at pyramid scheme, o pagsisinungaling para manghikayat ng iba na magbigay ng pera

Sensitibong Content

Napakaraming magandang content sa Spotify, pero may ilang bagay na hindi pwede sa platform namin. Huwag mag-post ng napakamarahas o napaka-graphic na content, at huwag mag-post ng sexually explicit na content. Ano'ng dapat iwasan:

Content na nagpo-promote ng mga graphic o gratuitous na depiction ng karahasan, gore, o iba pang nakakasindak na imagery, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • mga putol-putol o kinatay na katawan
  • pagsusulong ng animal cruelty o torture

Content na may sexually explicit na material, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • pornography o mga visual depiction ng genitalia o nudity na ipinapakita para sa sexual gratification
  • pagsusulong o pagpuri sa sexual themes na nauugnay sa panggagahasa, incest, o beastiality

Ilegal na Content

Ang batas ay batas. Kahit sino ka man, responsibilidad mong sumunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon. Ano'ng dapat iwasan:

Content na labag sa mga naaangkop na batas at regulasyon, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • content na hindi nakakasunod sa mga naaangkop na sanction at export regulation
  • content na ginawa para magsulong o gumawa ng kahit anong ilegal

Content na lumalabag sa intellectual property rights ng iba, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:

  • content na ibinigay sa Spotify nang wala ang mga kailangang pahintulot
  • content na lumalabag sa mga third-party na copyright o trademark

Paano ipinapatupad ng Spotify ang rules na ito?

Gusto ng Spotify na ipatupad ang rules na ito nang walang pinapanigan at nang malawakan sa buong mundo gamit ang kombinasyon ng technology at human review. Bukod pa sa mga report ng user, gumagamit kami ng automated tools na nakadepende sa kombinasyon ng mga signal para mag-detect ng content na baka lumalabag sa Platform Rules namin.

Mayroon kaming mga team ng mga expert sa iba't ibang parte ng mundo na nagde-develop, nangangalaga at nagpapatupad ng Platform Rules namin. Kapag may ni-report o na-detect na content na posibleng lumalabag, magsisikap ang mga team namin para gawin ang naaangkop na enforcement action.

Ano'ng mangyayari kapag hindi sumunod sa rules?

Sineseryoso namin ang mga desisyong ito at inaalam namin ang context kapag ina-assess namin ang mga posibleng paglabag sa Platform Rules. Kapag hindi sumunod sa rules, posibleng alisin ang lumalabag na content sa Spotify. Ang paulit-ulit o matinding paglabag ay posibleng magresulta sa pagsususpinde at/o pag-terminate ng mga account. Magbasa pa tungkol sa iba pang pwede naming gawin sa content o mga account dito.

Ano pang kailangan kong malaman?

Makakatulong ang Platform Rules na ito na siguraduhing magiging bukas at ligtas na platform para sa lahat ang Spotify. Patuloy naming susuriin at ia-update ang impormasyong ito kung kinakailangan, kaya madalas itong balikan. Depende kung aling mga product o feature ng Spotify ang ginagamit mo, pwedeng mapailalim ka sa mga dagdag na requirement.

Paano ako magre-report ng issue?

May nakitang issue sa content sa Spotify? Kung mayroon, i-report ito dito para malaman namin ito.