Maraming pwedeng gawin ang Spotify sa content na lumalabag sa Platform Rules, mga naaangkop na batas, o content na sensitibo ang mga topic. Kasama sa mga magagawang ito ang pag-aalis ng content, paglilimita sa discoverability ng content, paglilimita sa kakayahan ng content na ma-monetize, at/o paglalagay ng mga content advisory label.
Marami kaming isinasaalang-alang kapag pinag-iisipan kung ano ang (mga) gagawin, gaya ng context ng partikular na topic o current event at ng lala at/o dalas ng mga paglabag na naoobserbahan bilang parte ng proseso namin ng review. Gumagamit kami ng maraming paraan ng pag-detect na ginagawa ng algorithm at tao para makatulong na makatukoy ng content na baka dapat aksyunan, kasama na ang mga report ng user. Pwedeng limitahan ang kakayahan mong mag-submit ng mga request sa hinaharap dahil sa kahit anong maling paggamit ng mga proseso namin, kasama ang pagpuntirya sa iisang content o user sa mga report.
Kung lumalabag ang content sa Platform Rules namin, pwede itong alisin sa Spotify.
Ang mga paulit-ulit at/o matinding paglabag sa Platform Rules ay posibleng magresulta sa pagsususpinde at/o pag-terminate ng account. Tandaang posibleng kasama rin dito ang lahat ng kaugnay at affiliated na Spotify account.
Kapag may content na muntik lang lumabag pero hindi pa umaabot sa threshold kung kailan kami nag-aalis ayon sa Platform Rules namin, pwede kaming kumilos para limitahan ang reach nito. Kahit nasa Spotify pa rin ang content, ito ay posibleng:
Sa mga panahong may malaking panganib, madalas na mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng mapaminsalang content online, halimbawa, kapag may halalan, marahas na sigalot o mass-casualty events. Batid ito, posibleng magsagawa ng mga dagdag na hakbang ang Spotify sa mga ganitong pangyayari, tulad ng paglilimita sa reach ng ilang uri ng content at/o pag-highlight ng mga napapanahon at mapagkakatiwalaang resource.
Hindi lahat ng content ay eligible na i-monetize sa Spotify. Bukod pa sa Platform Rules, ire-review ang content na gusto mong i-monetize ayon sa Monetization Policies namin.
Kapag kailangan pa ng context sa isang topic, posibleng may ilagay na content advisory label na may impormasyon may kinalaman dito at/o magli-link sa mga user sa mga napapanahon at mapagkakatiwalaang resource.
Ang Spotify ay isang global community at iginagalang nito ang mga batas ng mga bansa kung saan kami nag-o-operate. Dapat sumunod ang mga user sa mga naaangkop na batas at regulasyon. Pwede pa ring limitahan ang content na hindi lumalabag sa Platform Rules namin sa mga partikular na bansa o region kung saan napag-alamang lumalabag sa (mga) lokal na batas ang content.
Mag-iiba-iba depende sa location ang mga option para sa pag-apela ng mga desisyon sa content, at ie-expand pa namin ang mga kakayahan namin sa susunod.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon sa enforcement na ginawa sa content mo o isinagot sa report mo, pwede kang mag-submit ng apela. Para magawa ito, sundin ang instructions sa notification na natanggap mo galing sa Spotify.