Sa Spotify ka makakahanap ng paborito mong bagong creator, makakatuklas ng bagong kanta mula sa paborito mong artist o makakapag-unlock ng audiobook na magdadala sa'yo sa ibang mundo. Kahit licensed ang malaking parte ng content sa platform namin, realistic at alisto kami tungkol sa mga uri ng content na pwedeng lumabas kapag may mga sensitibong pangyayari tulad ng halalan. Pinapayagan dito ang creative expression at palagi kaming mag-aalok ng iba't ibang content, pero hindi ibig sabihin noon na walang bawal dito.
Pinaka-priority ng mga team namin ang protektahan ang platform namin kapag may mga kritikal na global event, at maraming taon na ang ginugol namin sa pag-develop at pagpapahusay ng paraan namin. Partikular na sensitibong panahon ang halalan, online man o offline, at ang pangunahin naming focus palagi ay bawasan ang panganib para ma-enjoy ng mga listener, creator, at advertiser ang mga product namin.
Para maunawaan ang mga uri ng pinsala na pwedeng mangyari sa halalan ng isang bansa, marami kaming tinitingnang indicator, kasama ang presence ng Spotify sa market, mga nakaraang mapaminsalang pangyayari kapag halalan, at mga bagong geo-political factor na pwedeng magpataas sa mga panganib sa platform. Tinitingnan din namin ang mga factor na partikular na nauugnay sa Spotify platform, halimbawa, mga partikular na bansa kung saan pwedeng maging alalahanin ang audio content.
Tuloy-tuloy naming sinusubaybayan ang mga factor na ito at ginagamit namin ang mga natutuhan namin para pagbasehan ng guidelines ng policy at enforcement, i-customize ang mga in-product na intervention, at tukuyin kung saan makakatulong sa amin ang dagdag na resourcing at/o input ng third party. Sa huli, ang pangunahin naming focus palagi ay bawasan ang panganib para ma-enjoy ng mga listener, creator, at advertiser ang mga product namin.
Kahit na pwede sa Spotify ang political o news-related discourse, may ipinapatupad kaming Platform Rules para maitakda ang mga parameter sa kung anong uri ng content ang pinapayagan at hindi pinapayagan. Ang rules na ito ay para sa lahat ng nasa Spotify platform at palagi naming aaksyunan kapag may lumabag sa mga ito.
Malinaw na isinasaad sa Platform Rules namin na bawal ang content na sinusubukang mandaya o manggulo sa mga proseso kaugnay ng halalan. Kasama rito ang, pero hindi limitado sa, pagbibigay ng maling pahayag tungkol sa mga hakbang sa civic process na pwedeng humadlang o pumigil sa pagsali at mapanlinlang na content na pino-promote para pagbantaan o pigilan ang mga botante na bumoto.
May iba't ibang panganib at scope ang mga halalan sa mundo, at madalas na nuanced at hyper-localized ang mga uri ng mapaminsalang trend na lumalabas sa mga ganitong uri ng event. Para palawakin ang global expertise at kakayahan namin sa pag-detect, in-acquire ng Spotify ang Kinzen noong 2022. Dahil dito, nakapagsagawa kami ng malawakan at tuloy-tuloy na research sa maraming wika at mahahalagang parte ng policy tulad ng misinformation at hate speech. Sinusuportahan ang research namin ng pioneering tool na tinatawag na 'Spotlight,' na partikular na ginawa para mabilis na tukuyin ang mga posibleng panganib sa long-form na audio content tulad ng mga podcast.
Bukod pa rito, nakikipagtulungan kami sa mga expert sa mga partikular na uri ng panganib na karaniwang makikita kapag halalan, tulad ng misinformation, hate speech, at marahas na extremism. Kasama rito ang global naming Spotify Safety Advisory Council at angInstitute for Strategic Dialogue para siguraduhing updated kami sa mga bagong trend at tactics sa pagpigil sa panganib.
Hinihikayat din namin ang non-partisan na civic at community engagement sa mga nakapahalagang halalan. Naka-focus ang gawaing ito sa pagkonekta sa mga listener sa mapagkakatiwalaan at lokal na impormasyon kapag halalan. Gumagamit kami ng kumbinasyon ng algorithmic at human curation para tumukoy ng content na lumalabag sa guidelines namin, at pwede naming i-update ang mga rekomendasyon namin para pigilan ang posibleng manipulated o mapanganib na impormasyon.
Kung minsan, nagshe-share din kami ng mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa pagboto bilang parte ng mga non-partisan na civic engagement campaign na ginagawa namin sa platform para hikayatin ang mga user namin na iparinig ang boses nila, kahit ano pa ang political affiliation nila. Sa mga campaign na ito, nagko-collaborate ang mga global at in-market team namin para gumawa ng content na napapanahon at angkop sa paksa at lugar na naka-focus sa paglaban sa mga hadlang sa pagboto, halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung paano mag-register at kung saan boboto.
Mula nang sinimulan namin ang pagsisikap namin, nakapagdulot ang mga campaign na ito ng milyong-milyong pagpunta sa mga resource sa civic engagement, na nakatulong para matingnan ng mga user ang voter status nila, mag-register para bumoto, o magbasa pa tungkol sa halalan sa kanila.
Tumatanggap ngayon ang Spotify ng mga political advertisement sa ilang third-party na podcast sa pamamagitan ng Spotify Audience Network sa ilang market, kasama ang United States at India.
Pwedeng maglagay ng mga political ad sa Spotify Audience Network at sa libre at ad-supported na service inventory ng Spotify. Eligible dapat ang account para sa mga political ad, at dapat sumailalim ang may-ari ng account sa advertiser identity verification process. Hindi makakabili ng mga political ad sa self-serve tool namin na Spotify Ad Studio.
Bukod pa rito, nire-require namin na malinaw na sabihin ng mga political advertisement ang paggamit ng kahit anong synthetic o manipulated media, kasama ang media na ginawa o in-edit gamit ang Artificial Intelligence tools, na nagpapakita ng makatotohanan o mukhang makatotohanang tao o pangyayari. Dapat isama ang disclosure na ito sa advertisement at dapat malinaw at kitang-kita ito.
Para magbasa pa tungkol sa mga political ad sa mga market kung saan iniaalok ang mga ito, at para magbasa pa tungkol sa kung paano mag-report ng ad na sa tingin mo ay lumalabag sa mga policy namin, tingnan ang political advertising editorial policies ng Spotify.