Sa Spotify, nagsisikap kaming maisulong ang creative expression at gusto naming malayang maipakita ng aming community ang kanilang tunay na sarili, pero hindi ibig sabihin ay pwede nang gawin ang kahit ano.
Naka-outline sa matagal na naming Platform Rules kung ano ang pwede at hindi pwede sa Spotify. Inuuna namin ang pag-review ng content na nakakaapekto sa mga menor de edad, nagpapakita ng mas malaking panganib ng offline na pinsala, o di kaya'y ilegal.
Kapag nakakita kami ng content na lumalabag sa Platform Rules namin o di kaya'y ilegal sa ilalim ng lokal na batas, pwede kaming magsagawa ng hanay ng mga aksyon. Pwedeng kabilang sa mga aksyon na 'to ang pag-aalis ng content, paghihigpit sa distribusyon, paglalapat ng mga label ng content advisory at/o demonetisation.
Kung nararamdaman mong pwedeng lumabag ang isang piraso ng content sa aming Platform Rules, i-report ito gamit ang aming secure na form sa pagre-report. Hindi malalaman ng may-ari ng content kung sino ang nag-report.
Para mag-report ng content na sa tingin mo ay lumalabag sa intellectual property rights mo o kaya ay lumalabag sa batas, paki-contact kami. Ire-review din kung lumalabag sa Platform Rules ang content na ni-report sa pamamagitan ng form na ito (maliban kung ni-report ito dahil sa intellectual property). Makakakita ng mas marami pang impormasyon sa policy ng Spotify para aksyunan ang paglabag sa intellectual property sa Copyright Policy namin.
Ang labis at maling paggamit ng proseso ng pag-report namin ay pwedeng maging dahilan para limitahan ang kakayahan mong mag-submit ng mga report sa hinaharap, at ang paulit-ulit na paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Spotify, pati sa Platform Rules namin, ay pwedeng maging dahilan para suspindihin o i-terminate ang account mo.
Pwedeng mag-report ng content sa Spotify ang kahit sinong may email address, kahit wala siyang Spotify account. Tandaang posibleng mapaghigpitan ng pang-aabuso sa proseso namin ng pagre-report ang kakayahan mong mag-submit ng mga request sa hinaharap.
Mag-iiba-iba depende sa location ang mga option para sa pag-apela ng mga desisyon sa content, at ie-expand pa namin ang mga kakayahan namin sa susunod.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon sa enforcement na ginawa sa content mo o isinagot sa report mo, pwede kang mag-submit ng apela. Para magawa ito, sundin ang instructions sa notification na natanggap mo galing sa Spotify.
Kung may makikita kang maling impormasyon o issue sa functionality ng app, pwede mong i-report ang mga iyon dito. Kung isa kang artist, makakatulong ang label o distributor mo na ayusin ang mga problema sa music mo.