Gusto ng Spotify na bigyan ang mga artist ng pagkakataon na pagkakitaan ang art nila at bigyan ang bilyon-bilyong fans ng pagkakataon para ma-enjoy ito at ma-inspire nito. Bilang suporta sa pagsisikap na iyon, walang patid na nagtatrabaho ang mga team namin sa iba't ibang parte ng mundo para siguraduhing ligtas at masaya ang experience para sa mga creator, listener, at advertiser.
Sa Spotify, sa licensed na content ginagamit ang malaking parte ng listening time. Kahit sino pa ang gumawa ng content, pinaka-priority naming payagan ang community namin na direktang kumonekta sa music, mga podcast, at mga audiobook na gusto nila. Pero, hindi ibig sabihin nito na walang bawal dito.
Bawal na bawal sa Spotify ang content na nagsusulong ng terorismo o marahas na extremism at inaaksyunan nito ang content na lumalabag sa Platform Rules namin o sa batas.
Pagdating sa marahas na extremism, maingat naming nire-review ang ginagawa ng mga entity sa loob at labas ng platform, kasama ang (pero hindi limitado sa) marahas na gawi at pag-uudyok ng karahasan. Malapit kaming nakikipagtulungan sa mga third party na may expertise sa extremism para siguraduhing may sapat na basehan ang mga desisyon namin sa mga prosesong ito at isinasaalang-alang namin ang local, regional, at cultural context.
Inaaksyunan namin ang posibleng marahas at extremist na content sa pamamagitan ng maraming policy, kung saan kasama ang, pero hindi limitado sa:
Gumagamit kami ng mga proactive na paraan ng pagsubaybay para tukuyin ang mga posibleng lumalabag na content, at parte nito ang paggamit ng human expertise at mga report ng user. Gumagamit din kami ng mga insight mula sa mga global at third-party na expert para subaybayan ang mga bagong trend sa abuse at siguraduhing tuloy-tuloy naming pinapahusay ang paraan namin.
Pagdating sa enforcement, marami kaming pwedeng gawin, kasama ang pag-aalis ng content o ng creator, paglimita sa distribution, at/o demonetization. Kapag tinutukoy ang dapat gawin, iniisip namin ang posibleng panganib na makapinsala ang content offline. Kasama rin sa mga dagdag na factor ang:
Bukod pa rito, kapag naghanap ang mga user ng marahas na extremist content, pwede silang dalhin sa mga resource hub na nagbibigay ng suporta sa mga nakakita ng radicalizing content. Ginawa ang material na ito sa pakikipagtulungan sa mga third-party na expert, kasama ang Spotify Safety Advisory Council, at hinihikayat nito ang mga user na suriin nang mabuti ang content na nakikita, napapanood, o napapakinggan nila.
Nuanced, kumplikado, at palaging nagbabago ang space na ito. Naninindigan kaming pagbutihin at pagandahin ang paraan namin para hindi magkaroon ng marahas na extremist content sa platform namin. Makakapagbasa ka pa tungkol sa ginagawa namin para sa kaligtasan dito.