Safety at Privacy Center

Ang Pagharap Namin sa Mapanganib at Mapanlinlang na Content

Walang patid na nagtatrabaho ang mga Spotify team para maging ligtas at masaya ang experience para sa mga creator, listener, at advertiser namin. Kahit na nakakasunod sa policy ang karamihan sa content sa platform namin at ginagamit ang malaking parte ng listening time sa licensed na content, sadyang sinisira ng mga bad actor ang experience kung minsan sa pamamagitan ng pag-share ng mapanlinlang at/o manipulated na impormasyon. Kapag may natukoy kaming content na lumalabag sa Platform Rules namin, mabilis kaming kumikilos para aksyunan ito nang naaangkop. Magbasa pa tungkol sa tactics na ginagamit namin para protektahan sa panganib ang Spotify.

Maraming anyo ang mapanlinlang na content, mula sa mga hindi nakakapinsalang bali-balita hanggang sa napakamapanganib at naka-target na campaign na ginawa para manakot at manakit ng mga community. Sa nagbabagong mundo, mabilis na nagpapalit ang mga trend na ito at ginagamit namin ang expertise ng mga internal team at external partner namin para mas maunawaan ang ganitong mga uri ng manipulation.

Madalas, pwedeng i-share ang ganitong mga mapaminsalang kwento ng isang taong hindi alam na mali o mapanlinlang ang mga ito. At kahit hindi mapanganib ang ilang kasinungalingan ("ang aso ko ang pinakamatalino sa mundo"), malinaw na mapanganib ang ilang malalang halimbawa ("hindi totoo ang cancer"). Madalas na ginagamit ang term na 'misinformation' para ilarawan ang maraming uri ng manipulated na impormasyon, kasama ang disinformation, na content na sinasadyang i-share ng mga mapaminsalang actor para pagdudahan ang totoong content.

Nuanced at kumplikado ang mapanganib at mapanlinlang na content at kailangan nito ng talagang maingat na pagsusuri. Naniniwala kaming mas nagiging epektibo at malinaw ang mga desisyon namin kapag inaaksyunan ang ganitong uri ng mga paglabag sa pamamagitan ng maraming policy category.

Halimbawa, sa Dangerous Content policies namin, malinaw na hindi namin pinapayagan ang content na nagpo-promote ng mali o mapanlinlang na impormasyong medikal na pwedeng makapinsala offline o ng direktang banta sa kalusugan ng publiko. May isa pang halimbawa sa Deceptive Content policies, na nagsasaad na aaksyunan namin ang content na sinusubukang mandaya o manggulo sa mga proseso kaugnay ng halalan, kasama ang content na binabantaan o pinipigilan ang mga botante na bumoto.

Kapag ina-assess ang ganitong mga anyo ng online abuse, marami kaming isinasaalang-alang, kasama ang mga sumusunod:

  • ang substance ng content (halimbawa, nagpapanggap bang ibang tao ang creator?)
  • ang context (halimbawa, news report ba ito tungkol sa kumakalat na mapanganib na kwento, o sinusuportahan nito ang mismong kwento?)
  • ang motivation (halimbawa, sinusubukan ba ng creator na lokohin ang user na bumoto nang lampas sa deadline?)
  • ang posibilidad ng panganib (halimbawa, malaki ba ang posibilidad na may pisikal na masasaktan kapag kumalat ang kwento?)

Madalas na hyper-localized ang mapanganib na panlilinlang, at tina-target nito ang mga partikular na market, language, at at-risk population. Para aksyunan ito, gumagamit kami ng local market expertise para siguraduhing updated kami sa mga bagong trend na pwedeng lubos na makapahamak at i-scale ang human knowledge na ito gamit ang mga machine learning classifier. Tinatawag na "the human in the loop" ang paraang ito.

Alam naming mas marami ang ganitong uri ng content sa mga panahong alanganin at pabago-bago, kung kailan mailap ang mapagkakatiwalaang impormasyon. Dahil dito, pwede rin kaming gumawa ng mga content action para tumulong na limitahan ang pagkalat ng mga posibleng mapang-abusong content kapag may mga sensitibong pangyayari kung kailan may mas malaking posibilidad na magdulot ng karahasan offline ang mga mapaminsalang kwento.

Halimbawa, pwede naming limitahan ang discoverability ng content sa mga rekomendasyon, pwede kaming maglagay ng content advisory warning, o pwede naming piliing alisin ito sa platform. Pwede rin kaming magpakita ng content mula sa mga mapagkakatiwalaang source para siguraduhing may access ang mga user namin sa accurate at mapagkakatiwalaang impormasyon, gaya ng mga link sa mga opisyal na resource tungkol sa pagboto na ginawa at pinapangalagaan ng election commissions.

Tuloy-tuloy naming pinapabuti ang mga policy at gabay sa reviewer namin base sa mga input ng sarili naming mga Spotify team, mga external na stakeholder, at mga partner namin sa Spotify Safety Advisory Council.

Makakapagbasa ka pa tungkol sa ginagawa namin para sa kaligtasan dito at makikita mo ang gabay namin para sa mga creator sa mga nakaraang halalan dito.