Nagbibigay ang mga platform tulad ng Spotify ng unique na pagkakataon para mag-explore nang magkasama, maghanap ng educational content, at makinig ng music ang mga magulang at anak. Gumamit na ang ilan sa inyo ng mga lullaby playlist para patulugin ang mga anak n'yo, at maraming iba pa ang nag-enjoy na iparinig sa kanila ang partikular na kantang nagustuhan n'yo no'ng ka-edad n'yo sila. Sa mga nakalipas na taon, dumami ang online spaces na magagamit ng mga bata, at mahirap alamin kung paano sila pinakamaiingatan habang naglalaro sila.
Ako si Alex Holmes, at parte ako ng global safety advisory board ng ilan sa malalaking social media company, at pinapayuhan ko sila sa pagharap nila sa mga mapanganib sa kaligtasan at online, at kasama rito ang Spotify. Ako rin ang Deputy CEO ng non-profit na The Diana Award, isang legacy ng paniniwala ni Princess Diana na may kakayahan ang kabataan na baguhin ang mundo. Itinatag ko ang peer-to-peer support program na Anti-Bullying Ambassadors noong 16 na taong gulang ako matapos akong ma-bully. Gaya ng naiisip mo, lubos akong interesadong harapin ang kahit anong hadlang sa kaligayahan at kapakanan ng mga bata.
Palagi kong sina-suggest na dapat makipagtulungan ang mga magulang sa mga anak nila para mapanatili silang ligtas online. Pag-usapan kung anong mga uri ng content ang kumportable kang pakinggan nila, at tulungan silang maunawaan ang pwede nilang gawin kung nainis o nabahala sila sa isang content. Bilang parte ng paninindigan nilang panatilihing ligtas ang mga bata, gumawa ang Spotify ng gabay sa ibaba na nagsasaad ng mga pinakabagong tool at feature na ginawa nila para sa mga bata, kasama ang mga parental control na magagamit mo para protektahan sila sa explicit na content at mga paraan para makapag-report ka ng kahit anong hindi gustong content o atensyon.
Mahirap tingnan ang lahat ng iba't ibang platform na pwedeng gamitin ng anak mo, at hinihikayat ko ang lahat ng magulang o tagapag-alaga na makipagtulungan sa kani-kanilang anak para maunawaan ang Spotify, ang mga uri ng music na pinapakinggan n'ya, at ang mga paraan ng pakikihalubilo n'ya sa iba. Makakatulong din kung tutulungan s'yang isipin ang pakikitungo n'ya sa ibang mga bata at isipin na dapat s'yang maging maingat sa mga pamagat ng playlist, profile, o photo/upload sa playlist. Hikayatin s'yang i-share sa'yo ang playlist n'ya, dahil pagkakataon ito para magkasamang mag-curate at magkaroon ng masinsinang usapan.
Ang music at audio ay mahahalagang parte ng kung paano ipinapahayag ng mga bata ang sarili nila at kung paano nila nauunawaan ang mundo. Kapag may angkop na support, pwede kang gumamit ng mga tool tulad ng Spotify para tulungan s'yang maging mas confident, resilient, at curious habang binabalanse ang privacy at kalayaan n'ya, at sarili mong parenting style. Sa huli, ang pakikipag-usap sa anak mo tungkol sa mga usaping ito ang pinakamagandang paraan para ipakita sa kanya na nand'yan ka para suportahan s'ya habang mas nagiging pamilyar s'ya sa digital world.
Alex Holmes
Child Safety Expert
Ang Spotify ay digital music, podcast, at audiobook service na nagbibigay ng access sa milyon-milyong kanta at iba pang content na galing sa mga creator na mula sa iba't ibang parte ng mundo. Alam namin na mahirap para sa mga magulang na maging pamilyar sa digital world at madalas na personal ang mga desisyon tungkol sa content at mga experience na angkop sa pamilya mo. Para maging ligtas at masaya ang experience, gumawa kami ng mahahalagang hakbang. Kasama rito ang mga sumusunod:
Kasabay ng pagbabago ng sitwasyon ng kaligtasan ng bata, papahusayin pa rin namin ang mga policy, tool, at kakayahan namin. Sa ngayon, magbasa pa tungkol sa mga hakbang na pwede mong gawin bilang magulang o guardian para tulungan kaming gumawa ng ligtas na experience.
Dapat pasok ang lahat ng user sa minimum age requirement para sa bansang nauugnay sa account nila. Kung wala pa sa minimum age para gumamit ng Spotify o hindi siya pasok sa mga requirement ng aming Mga Tuntunin ng Paggamit, dapat isara ang account niya.
Kapag gumagawa ng account, mahalagang sabihin ang tamang edad ng anak mo. Tumutulong itong siguraduhin ang pagsunod sa mga lokal na batas at tumutulong sa aming magbigay ng product experience na bagay sa edad.
Pwedeng talagang personal ang mga desisyon tungkol sa mga uri ng content na pinakaangkop sa pamilya mo. Para tumulong na ibagay ang experience ng pamilya mo, pwede mong i-skip ang explicit na content o kontrolin ang playback ng mga partikular na artist.
Kadalasan, minamarkahan ng mga creator at may-ari ng mga karapatan ang content na may adult language o themes bilang "Explicit na Content" o nagdaragdag sila ng "E" tag. Para i-skip ang content na na-tag na explicit, pwede mong sundin ang instructions dito.
Pro Tip: Kung nagpe-play ka ng music mula sa shared device o nang may kasamang bata (halimbawa, family road trip o birthday party), maiiwasan ang hindi sinasadyang nakakahiyang sandali kapag in-on mo ang Explicit Content Filter mo.
Pro Tip: Minsan, pwedeng makakita ng mga clean version ng content na na-tag na explicit sa Spotify.
Para mag-report ng kanta, podcast, o audiobook na hindi tama ang tag, kontakin kami dito.
Pwede mong kontrolin ang playback ng mga partikular na artist sa mobile device mo o sa mobile device ng iba pang member ng Family plan mo sa pamamagitan ng pagpunta sa artist profile, pag-click sa 3 tuldok, at pagpili sa 'Huwag itong i-play' sa bawat account.
Pwede ring gamitin ng mga mobile user ang button na "hindi interesado" para mas makontrol ang experience nila. Agad sa aalisin sa subfeed mo ang content na ima-mark mong "hindi interesado" at hindi na ito lalabas ulit. Aalisin na rin sa mga susunod pang rekomendasyon ang iba pang kanta/album/episode ng artist/podcast show na iyon.
Dapat sumunod ang lahat ng content sa Spotify sa mga lokal na batas at sa Platform Rules namin. Ginawa ang Rules na ito ng in-house team namin ng mga safety policy expert nang may feedback mula sa mga pinagkakatiwalaang global safety expert, kasama ang Spotify Safety Advisory Council namin. May mga team din kami sa iba't ibang parte ng mundo na walang patid na nagtatrabaho para tumulong na siguraduhing mare-review kaagad ang content at angkop na maaaksyunan.
Nagbabago ang mga policy at paraan namin ng enforcement bilang sagot sa mga nagbabagong trend sa abuso, regulatory landscape sa mundo, mga bagong uri ng content, at feedback galing sa mga pinagkakatiwalaan naming safety partner.
Kung may makita kang content na sa tingin mo ay lumalabag sa Platform Rules namin, i-report ito sa pamamagitan ng form na ito. Para magbasa pa tungkol sa mga dagdag na option sa pag-report, puntahan ang Safety and Privacy Center namin.
Naninindigan kaming protektahan ang personal data ng mga user namin, pati ang personal data ng mga bata, at may mga mechanism kaming ipinapatupad para tumulong na siguraduhing ligtas ang impormasyon ng mga user. Pwede naming gamitin ang personal data para magbigay ng mga rekomendasyon sa language mo, mag-suggest ng podcast na sa tingin namin ay magugustuhan mo, o tulungan kang tuklasin ang bago mong paboritong artist.
Para magbasa pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang data mo, mga karapatan at option mo sa privacy, at kung paano i-adjust ang settings mo, tingnan ang Safety and Privacy Center namin at basahin ang Privacy Policy namin.