Safety at Privacy Center

Pag-unawa sa mga rekomendasyon sa Spotify

Paano gumagana ang mga rekomendasyon ng Spotify?

Sa Spotify, gusto naming magkaroon ng maganda at unique na experience ang bawat user. Layunin naming ikonekta ang lahat sa gusto nila at tulungan silang tumuklas ng bago. Magkakaiba ang lahat ng listener, kaya personalized ang experience ng lahat sa Spotify, pati na ang mga rekomendasyon namin. Kapag tinanong sila kung ano ang nagustuhan nila sa Spotify, binanggit ng karamihan sa mga listener na ang personalization ang top feature namin para sa kanila. Siguro nagtataka ka kung paano namin ginagawa ang mga rekomendasyong ito sa Home feed, mga playlist, search results o iba pang parte ng service, at gusto naming ipaliwanag kung paano gumagana ang mga ito.

Sa Spotify, nagtutulungan ang mga tao at teknolohiya para magbigay ng mga relevant na rekomendasyon. Base sa editorial curation ang mga rekomendasyon, tulad ng pop playlist na ginawa ng mga music editor. Ibinagay ang iba pang rekomendasyon sa unique na taste ng bawat listener, tulad ng personalized na playlist na gumagamit ng mga algorithm naming idinisenyo ng expert.

Sa tingin namin, hindi lang dapat mag-optimize para sa susunod na click ang mga rekomendasyon, kundi dapat ding magbago ang mga ito kasabay ng taste mo. May mga dedicated kaming team na sinisiguradong nagdudulot ng tunay na engagement ang mga rekomendasyon sa'yo at gumagawa ang mga ito ng mga makabuluhang connection. Palagi kaming nagsisikap na pagandahin ang recommendation systems namin para masiguradong relevant at nakakatuwang content ang ipinapakita namin sa'yo.

Editorial curation

Gumagamit ang mga editor sa Spotify ng mga insight sa data, matatalas na pandinig, at pag-unawa sa mga cultural trend para maglagay ng content kung saan mas makaka-relate sa mga ito ang fans sa buong mundo. Pinag-iisipan nilang mabuti ang pagrerekomenda ng content sa Spotify, tulad sa mga editorial playlist. Sa buong mundo, may malawak na kaalaman tungkol sa local na music at culture ang mga editor sa Spotify, kaya nakakapagdesisyon sila tungkol sa programming nang inaalala ang pinakamagandang experience para sa listener.

Mga personalized na rekomendasyon

Nag-aalok ang Spotify ng mga algorithmic na rekomendasyon na relevant, unique, at partikular sa bawat user. Pinipili at inaayos ng mga algorithm namin ang content sa Spotify experience ng bawat user, maging sa Maghanap, Home, at mga personalized na playlist.

Para makapagrekomenda, dumedepende ang mga algorithm namin sa mga input. Pwedeng mag-iba ang kahalagahan ng mga input na ito sa paglipas ng panahon, depende sa paggamit mo ng Spotify. Sa tingin namin, ang taste profile mo ang pinakamahalagang input para magawa ang pinakamagandang user experience sa pangkalahatan. Sa ibaba, makakakita ka pa ng mga detalye tungkol sa mga pinakamakabuluhang input at kung paano gumagana ang mga ito.

Ang "taste profile" mo

Habang ginagamit mo ang Spotify, binabago ng mga aksyon gaya ng paghahanap, pakikinig, pag-skip, o pag-save sa Library Mo ang pag-unawa namin sa taste mo. Tinatawag namin itong “taste profile,” at binibigyan nito ang mga algorithm namin ng ideya sa kung ano ang gusto mo at paano mo gustong makinig.

  • Halimbawa: Kung pinapakinggan mo ang isang artist, pwedeng magrekomenda pa kami ng mga kanta ng artist na 'yon.
  • Halimbawa: Inirerekomenda ng Release Radar playlist namin ang mga pinakabagong release na baka magustuhan mo base sa katulad na music na pinakinggan mo.
  • Halimbawa: Kung nakikinig ka ng sports podcast, pwedeng magrekomenda pa kami sa'yo ng iba pang sports podcast.

Impormasyong shine-share mo sa amin

Nakabase rin ang mga rekomendasyon sa impormasyong shine-share mo sa Spotify, gaya ng general (hindi precise) na location, language, edad, at mga fina-follow mo. Ipinapaalam nito sa mga algorithm namin kung anong mga topic ang kinaiinteresan mo o kung kaninong mga artist mo gustong maging updated.

  • Halimbawa: Kung may fina-follow kang podcast, pwede kaming magrekomenda ng episode galing sa podcast na 'yon.
  • Halimbawa: Kung gagawin mong German ang language mo sa Spotify, pwede kaming magrekomenda ng mga German-speaking podcast.

Impormasyon tungkol sa content

Tinitingnan ng mga algorithm namin ang mga katangian ng mismong content, gaya ng genre nito, release date, category ng podcast, atbp. Dahil dito, natutukoy namin kung aling content ang magkakatulad at pwedeng magustuhan ng magkakatulad na listener.

  • Halimbawa: Kung nakikinig ka ng maraming pop music, pwede kaming magrekomenda ng iba pang katulad na pop song.
  • Halimbawa: kung nakikinig ka ng maraming crime audiobook, pwede kaming magrekomenda ng iba pang crime audiobook.

Kaligtasan ng listener

Bilang platform, sinusuri namin ang epekto namin sa mga creator, listener, at community. Nagsisikap ang Spotify na siguraduhing may mga angkop na hakbang at proseso para sa kaligtasan, at mga hakbang para maiwasan ang exposure sa nakakapanakit na content. Sineseryoso namin ang responsibilidad sa algorithm at nakikipagtulungan kami sa mga policy, product, at research team, at kumokonsulta rin kami sa mga external expert gaya ng Spotify Safety Advisory Council.

Nalalapat ang Platform Rules ng Spotify sa lahat ng content sa platform, pati na sa inirerekomendang content. Ginawa ang rules na ito ng mga internal team sa tulong ng input mula sa iba't ibang outside expert. Kapag napag-alaman naming may posibleng lumalabag na content, susuriin ang content na 'yon ayon sa mga policy namin, at gagawin ang naaangkop na aksyon. Halimbawa, kasama sa mga aksyong ito ang hindi pagrerekomenda sa lumalabag na content.

Paano mo mababago kung saan nakabase ang mga rekomendasyon sa'yo?

Palaging binabago ng engagement mo sa content sa Spotify ang mga rekomendasyon sa'yo. Habang mas nakikinig ka ng content na gusto mo at habang mas nag-i-interact ka sa app, mas magugustuhan mo ang mga rekomendasyon sa'yo.

May iniaalok din kaming mga paraan para mabago mo ang mga lumalabas sa mga rekomendasyon sa'yo, makapagbigay ka ng feedback tungkol dito, at mas bihira mong makita ang isang partikular na bagay. May ilang halimbawa na nakalista sa ibaba:

  • Huwag isama sa taste profile: Kapag hindi mo isinama ang isang playlist sa taste profile mo, hindi na masyadong mababago ng playlist na 'yon ang mga susunod na rekomendasyon sa'yo.
  • Pagbibigay ng feedback sa mga rekomendasyon: Kapag tinap mo ang [hindi interesado/thumbs down] para sa isang rekomendasyon sa Spotify, hindi ka na masyadong rerekomendahan ng katulad nito.
  • Filter ng explicit na content: Kapag in-off mo ang explicit na content, mage-grey out ang kahit anong may tag na explicit at hindi mo mape-play ang mga 'yon.

Sa ilang sitwasyon, pwede mo ring isaayos at i-filter ang mga rekomendasyon sa'yo base sa pinakagusto mong makita. Halimbawa, mafi-filter mo ang Home page mo para mga podcast o music lang ang makita mo.

Paano naaapektuhan ng mga commercial na konsiderasyon ang mga rekomendasyon?

Mas mahalaga sa Spotify na maging masaya ang listener pagdating sa pagrerekomenda ng content. Sa ilang sitwasyon, pwedeng magbago ang mga rekomendasyon namin dahil sa mga commercial na konsiderasyon, gaya ng gastos sa content o kung mamo-monetize namin ito. Halimbawa, binibigyan ng Discovery Mode ng pagkakataon ang mga artist at label na tukuyin ang mga kantang priority nila, at idadagdag ng system namin ang impormasyong 'yon sa mga algorithm na tumutukoy sa content ng personalized na listening session. Kapag in-on ng artist o label ang Discovery Mode para sa isang kanta, maniningil ang Spotify ng commission sa mga stream ng kantang 'yon sa mga area ng platform kung saan active ang Discovery Mode (hindi active ang Discovery Mode sa mga editorial playlist namin). Pinapalaki ng impormasyong ito ang posibilidad na mairekomenda ang mga piniling kanta, pero hindi nito ito masisiguro. Nagrerekomenda lang kami ng mga kantang may malaking posibilidad na magustuhan ng mga listener. Tulad sa lahat ng rekomendasyon, tinatandaan namin kung hindi nag-e-engage ang listener sa kanta — kasama ang mga kanta sa Discovery Mode — at ginagamit namin ito kapag tinutukoy ang irerekomenda sa hinaharap.